Chapter 14 ❤️

285 12 5
                                    

Sa mga Sestal Shippers, wait lang kayo ha 💋💋

==========================

Ashely POV

After class.....

Tulad nang nakagawian hinatid ako ni Ivan sa bahay. Halos magkasunod lang kaming dumating sa bahay ng mga kapatid ko kasama si Zoe.

Pero si Kyle, nagpalit lang ng damit tapos nagpaalam din na aalis ulit.

"Alis lang ako" paalam samen ni Kyle habang nakaupo kame sa sofa.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko. "Kakauwi mo lang aalis ka na naman."

"Magkikita kami ni Dale kasama si Lance" sagot niya. "Maglalaro lang kame"

Hindi na ako sumagot ng banggitin ni Kyle ang pangalan ni Dale. Kahit hindi ako nakatingin, alam kong nagbago ang mood ni Ivan.

Hindi ko alam kung ok na ba ulit kami ni Ivan. Kaya nga siguro nandito siya ay para makapag usap kame ng ayos at dahil sa tingin ko ay kami lang dapat ang mag usap, nag paalam ako na sa kwarto nalang muna kame.

It's not a big deal to Kuya Clyde as long as wala naman kaming gagawin na masama ni Ivan. Natulog na din once si Ivan sa tabi ko. Hindi lang talaga kami mahilig tumambay sa kwarto.

"Nag usap na kame ni Dale" sabe niya agad pagkapasok na pagkapasok namen sa kwarto. Tuluyan na niyang isinara ang pinto.

Bigla akong napatingin sa gawi niya. "Bakit?"

Lumapit siya saken at hinawi ang buhok na napunta na sa mukha ko. "Na hanggat maari, dumistansya siya sayo. Kakausapin ko ang Daddy mo. Hindi ako papayag na ikakasal ka kay Dale kahit na after graduation pa yun"

"Ivan.... you don't ned to do that. Magagawan ko naman yun ng paraan. Sorry kung umabot tayo sa ganito"

Lumayo si Ivan at pumunta sa di kalayuan malapit sa bintana. "Then explain to me everything..... Because until now, hindi ko naiintindihan kung bakit kaylangang gawin ng Daddy mo ang mga ganyang bagay"

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Daddy's health is not as good as before. And anytime, he can die." umupo ako sa gilid ng kama ko. "You know how i really love Dad though he's not with us anytime we need him. We all know how my Dad suffers back then at ayaw ko na ulit mangyari yun sa kanya....

That day, when he told me about his plans for me at nang malaman kong gusto niya kaming makasal ni Dale, ikaw agad ang pumasok sa utak ko. First, hindi ako pumayag... Bakit ba ako papayag? Hanggang sa sabihin saken ni Kuya Clyde ang lahat lahat... about Dad's health and Ate Jessica."

"Anong bang meron kay Jessica?" uniti unting lumapit saken si Ivan at umupo sa tabi ko.

"This is also the reason why Ate Jessica left us and why did she broke up with Zander....."

"Then let's run away" bigla akong napatingin kay Ivan. Seryoso siya sa sinasabe niya. Pero hindi pwede.

Umiling ako. "I don't want Dad to feel hurt again.... Ginawa na yun sa kanya ni Ate Jessica pero ako? I can't. Hindi naman sagot ang pagtakbo para matakasan naten ito. Kaylangan lang siguro na kausapin ko si Daddy at magmakaawa kung kinakailangan."

Hinawakan ni Ivan ang kamay ko. "I'll help you with that. I'll talk to him."

Hinilig ko ang ulo ko sa balikat ni Ivan and then he puts his arms around my shoulders.

"But how about Dale?" tanong ko sa kanya. "I feel sorry... Dahil saken, nasira ang pagiging magkaibigan niyo."

Tinap niya ang balikat ko. "Siguro hanggang doon nalang talaga ang pagiging magkaibigan namen. I talked to him already, at sinabi kong layuan ka niya. And i want you to do the same"

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon