Chapter 25 ❤️

312 12 1
                                    

POV ito ni Dale.

Well, kaylangan din naman nating malaman ang naramdaman niya sa pagbabalik ni Ashely diba? At tska baka mai-explain niya kung sino ba talaga si Yeri..

Kay Dale kayo maniwala. HAHA

=================================================================

DALE POV

Sino si Yeri? Tatanungin niyo din ba ako kung sino siya?

Bakit ba lagi akong natatawa sa tuwing may magtatanong saken niyan? Ano bang pakialam ko sa Yeri na yun.... Oo, kapatid ko siya. Yun ang sabe ni Kuya Drew pero hanggang ngayon hindi ko kayang tanggapin si Yeri bilang kapatid.

"Bakit ba hindi mo kayang tanggapin si Yeri?" tanong saken ni Luke. "Dahil ba maganda siya at nanghihinayang ka na magkapatid kayo?"

Binatukan ni Kyle si Luke. "Baliw ka ba? Kahit hindi niya kapatid si Yeri, hindi niya liligawan diba?" tanong nito saken. "Iisang babae lang ang nasa puso niya..." inakbayan ako ni Kyle. "Pero pare, maaga pa lang, nagpapaalam na ako... Kung papayagan mo ako, liligawan ko si Yeri. Wag mong hahayan si Luke lang ang manligaw sa kanya dahil panigurado walang mangyayari sa kapatid mo."

"Tumahimik nga kayo" saway ni James sa kanilang dalawa. "Bata pa si Yeri.. pati ba naman yung isa idadamay niyo dyan sa mga kalokohan niyo.... Ikaw Dale kung ayaw mo dun sa kapatid mo, wag mo namang masyadong iparamdam sa kanya. Kahit pagbali-baliktadin naten lahat, kapatid mo pa din yun."

"Oo nga pare.." sabe naman ni Kyle. "Babae pa din si Yeri.. Buti nga yung kapatid mo dumating na, e yung mga kapatid kong babae ayaw magpakita"

Hangang ngayon ay natatandaan ko pa din kung papaano ipinakilala saken ni Kuya Drew si Yeri..... Walang pasabing umuwi si Kuya Drew at dumating sa penthouse kasama si Yeri.

Hindi ko pa siya kilala ng mga panahong yun. May dala siyang isang maleta, handbag at sling bag...

"Sino siya?" tanong ko kay Kuya Drew dahil first time ko lang siyang nakita na nagdala ng babae sa harap ko.

Titig na titig ako sa babaeng kasama ni Kuya ng mga oras na yun dahil iba ang pakiramdam ko sa kanya. Nakangiti siya pero hindi saken kung hindi kay Kuya Drew at pareho sila ni Mommy ng mga mata at pareho silang ngumiti ni Kuya Drew.

I find her cute and innocent that time... She has those cat smile na sa tingin ko ay asset niya.

"Have a seat" pag ayaw ko sa kanila. Pumunta naman ako sa kusina para kumuha ng maiinom nilang dalawa. At saka ako muling nagtanong pagbalik ko. "Kuya... Wag mong sasabihin saken na girlfriend mo siya kasi hindi bagay.."

Pero ako lang yata ang natawa sa sinabe ko... Dahil ang kaninang nakangiting babae ay naging seryoso at mukhang kinakabahan. Naisip ko pa ng mga oras na yun na baka nabuntis ito ni Kuya Drew at dito muna magi-stay sa bahay dahil may mga dala siyang gamit.

Pero hindi ko inaasahan ang mga sinabi ni Kuya Drew nang ipakilala niya ito saken.

"No she's not.... She's Yeri" matagal bago siya nakapag salita... Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil mukhang mahalaga ang sasabihin ni Kuya Drew... "She's our youngest sister"

Mistulang tumigil yata ang pagtakbo ng oras ng sabihin yun ni Kuya Drew. Dahan dahan akong tumingin kay Yeri na nakatungo lang habang magkahawak ang dalawa niyang palad.

Kaya ba nakita ko sa kanya si Mommy at pareho sila ni Kuya kung ngumiti? Pero imposible dahil sa tagal ko ng nabubuhay bakit ngayon lang siya lumabas? Bakit hindi ko din ito alam kung may kapatid pa kami? Noong nabubuhay pa sina Mommy at Daddy, kahit kelan wala silang binanggit saken...

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon