Naka move on na ba kayo sa previous part? HAHAHAHA. Kasi ako parang hindi pa e........
============================================================================
Ashely POV
Nagising ako dahil pakiramdam ko ay sobrang init at pinagpapawisan na ko, yung parang kaylangan kong tumapat sa aircon...
Naramdaman kong may mabigat na bagay na nakapatong sa noo ko, kinuha ko yun...... Face Towel? Dahan dahan akong bumangon.
"Ashely!!"
Nagulat ako sa sigaw ni Yanni..... Teka.. Si Yanni? Bakit siya nandito?
Lumapit saken si Yanni. "Wag ka munang bumangon... Ok ka na ba?" Hinipo niya ang leeg at noo ko. "Konti nalang ang lagnat mo... Buti naman."
"Si Dale?" kaagad na tanong ko.
Yung kaninang mukha ni Yanni na nag aalala napalitan ng ngiti. Ngiting alam mo na....nang aasar. "Ikaw naman.. Masyado mo naman yatang na mimiss ang tao... Umuwi na, kanina pa...
... Tinawagan niya ako kanina para sabihin na may sakit ka. Pinakiusapan nga ako na pumunta dito para bantayan ka dahil may kaylangan daw siyang puntahan... Ewan ko ba dun... Natatakot yata na maabutan ng mga kapatid mo. Dahil sabi niya in case daw na tanungin ako, ang sabihin ko daw ay tumawag ka para magpasama saken dahil masama ang pakiramdam mo.. Ano ba nangyare? Bakit ka nagkasakit at bakit si Dale ang kasama mo?"
Kinuwento ko kay Yanni ang mga nangyari pero syempre hindi lahat-lahat. Ang hirap nga niyang paliwanagan dahil panay ang tanong niya. Hindi ko na sinabi sa kanya na sa bahay ni Dale ako nag overnight dahil kung nagkataon, madami na naman siyang itatanong.
Nang makuntento si Yanni sa mga sinabi ko... Tumahimik na siya.. Inaalala ko ang lahat ng nangyari kanina pero wala na kong matandaan pagkatapos kong maibigay sa kanya ang paper bag.
Kinuha ko ang cellphone ko.. Nagulat ako ng makita ang ilang missed calls at text ni Ivan. Paniguradong magtataka ito kung bakit hindi ko nasagot or nareplyan man lang ang text niya.
"Ash........"
Nagkatinginan kami ni Yanni nang marinig ang boses ni Kuya Clyde mula sa labas ng kwarto. Ibig sabihin ay dumating na sila.
"Ash?" nagtatakang tanong ni Kuya ng makita kung anong itsura ko ngayon. Nagtaka din siya ng makita si Yanni "Yanni?" Lumapit saken si Kuya. "Anong nangyare sayo?"
Hindi kaagad ako nakasagot dahil biglang sumigaw si Kyle "I miss you Ash!!!!!" Patakbo siyang lumapit saken pero napatigil siya ng makita ako ng tuluyan. "Bakit mukha kang patay?"
Si Yanni lang ang natawa sa sinabi ni Kyle. "Inaapoy ng lagnat kanina... Tumawag siya saken kaninang umaga kaya ako mun ang nagbantay sa kanya." si Yanni na ang sumagot.
Nagsalita na din ako. "Nabasa kasi kami ng ulan ni Dale kagabi......" pero hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng nagmayabang na naman si Kyle.
"Pinabayaan ka ng lalaking yun?? Naku. Patay talaga si Dale saken bukas."
"Hindi!" inis na sabe ko. "Ang boring kaya sa party... Kaya tumakas kami.. Nagpunta kami sa ibang lugar malas lang at biglang umulan kaya ayun nahirapan kaming humanap ng masasakyan.. Hinatid niya ako bago siya umuwi sa bahay niya"
"Pero ok ka na ba?" tanong ni Kuya Clyde saken. "Maybe you need to see a Doctor"
"Hindi na" sabe ko. "Ok na ko... Promise.. Ang hindi lang ok saken? Ang tiyan ko... Gutom na ko e"
Nagtawanan kaming apat.. Si Kuya Clyde na ang nag luto dahil gutom na din daw sila.. Hindi na daw nila nagawang kumain sa fast food dahil gusto na daw umuwi ni Kyle.....
![](https://img.wattpad.com/cover/20338866-288-k676698.jpg)
BINABASA MO ANG
The Way We Were
Roman d'amourWhat if you fall in love to your boyfriend's best friend?