Chapter 4 ❤️

256 12 0
                                    

"To all the varsity players, kindly go to the gym. This is a call from the sports head Mr. Ramirez."

Hindi ko nga pala nasabi na announcer ako ng school. It is part of our society kaya minsan kapag wala ako sa studio ni Luke or sa classroom nandito ako sa top floor ng building namen.

Alam niyo yung style ng studio na pang DJ? Ganito yun. Syempre hindi lang naman ako ang officers dito, may mga kasama din akong nasa lower years.

Biglang nagvibrate ang Phone ko. Kinuha ko yun mula sa buksa ng coat ko. It was Julius. Bakit kaya?

"Hello" panimula ko.

"Mag announce ka. Lahat ng members ng society naten ngayon na sa studio. Urgent."

Hindi ko na nagawang sumagot pa. Bigla nalang siya nawala sa kabilang linya. Ginawa ko naman ang pinagawa niya. At kaagad na umalis para pumunta sa studio.

Pagkarating ko sa studio, nagsisimula na si Julius. Umupo ako sa tabi ni Ivan. Lagi niya akong pinagrereserve ng chair kapag wala pa ko pero hindi ko yun ginagawa sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang?" Pabulong na tanong niya.

"Ang layo kasi ng pinanggalingan ko. Ano ba daw ang pag uusapan?"

Pinunasan niya ang pawis sa noo ko. "About yata sa pagpili ng head teachers para sa ilalaban sa competition with the other schools." Sagot niya.

"Ako na." Kinuha ko ang panyo sa kamay niya. "Makinig ka na muna"

--

"Napagkasunduan ng lahat ng head teachers na pumili ng 6 representative ng school"

Tumaas ng kamay si Zoey "How? It means lahat kami pwedeng pagpilian?"

"Yung mga single performers? Included din?" Tanong naman ni Lindsay. Isang solo performer.

"Of course. This is only open to all the members of society. And as the president of this society, gusto ko lahat magperform." sagot ni Julius.

Nagsimula ng magbulungan ang mga tao. "Silence." Pagsaway ni Julius. "This will gonna happen next week. So you better start to practice."

"Ashely, dahil nagtransfer at nakagraduate na yung dati mong kasama, I'll put you on a group, sasabihin ko sayo by this week kung sino yun."

"Stephen" pagtawag ni Julius. "Do you want to perform as soloist?"

Napataas ako ng kilay. Pati si Ivan napatingin ng masama kay Julius. Tumayo si Stephen. "Of course not. I'll stick with my group" pang asar na sagot ni Stephen.

"Ok. So then you may go."

Sunod sunod kaming umalis. Dumiretso kami sa studio room ni Luke dahil panigurado akong pag uusapan ang nangyari kaninan sa meeting.

At hindi nga ako nagkamali, pagpasok na pagpasok palang namen ni Ivan ay padabog na umupo si Zander.

"What's with Julius??" Naiinis na tanong ni Zander.

"He's not in the position to tell that" sabe naman ni Kuya Clyde.

Umupo kami ni Ivan sa kabilang sofa.

"Palibhasa, alam niyang malaking loss saten si Stephen" sabe naman ni Ivan. "Gusto niya na sila ang mapili instead of us. Pero bakit hindi pinansin ang group niyo?" Tanong niya na nakatingin kay Kuya Clyde.

Nagkibit balikat lang si Kuya.

"Yaan niyo na. Kung mapili man tayo or hindi, ok lang. Hindi pa naman tayo seniors." Mahinanong sabe ni Chen. "I'll never leave our group."

Kung kanina may tensyon sa loob ngayon naman, nagkantyawan na sila. Ang bilis talaga nila maka move on.

Tumayo si Kyle. "Ash. Tara na."

"Ha? San?"

Tinuro niya ang wall clock. "May optional class tayo."

Nagtawanan silang lahat. Sinamaan ko nga ng tingin si Kyle.

"Tsk. Tsk." Umiiling na si Dale. "Kasama mo lang si Ivan, nakalimutan mo ng pumasok?"

Dahil sa lakas niya mang asar, ibinato ko sa kanya ang nahagip kong libro. Pasalamat siya at nakailag siya.

Tumayo na ko. Nagpaalam na ko kay Ivan. At naunang umalis sa kapatid ko. Bakit kasi nakasama sama pa ko sa pag eenroll ng optinal course na to. E di sana may free time ako kasama si Ivan.

**

Nasa unang klase na ko. Medyo nalate pa kami ni Kyle dahil sa tagal naman kumilos ng dalwa kong kapatid.

"Buti umabot pa kayo." Sabe ni Zoey.

"Si kuya kasi ang tagal" inis na sabe ko. "Yaan mo na lang." Nakangiting sabe ni Zoey na nakahawak pa sa braso ko.

Ang charming niya talaga. Kaya deeply in love si Kuya Clyde sa kanya. Once she smiles, mawawala talaga yung badtrip mo.

Tumingin ako sa paligid. Wala pa si Ivan.

"Pabalik na yun." Hindi nakatinging sabe ni Zoey. "Kinausap yata siya ni Julius."

"About what?" Tanong ko habang nilalabas ang book at notes ko.

Nagkibitbalikat siya. Hindi na ko nagsalita. Hindi nagtagal ay dumating na si Mam. Halos kasunod lang si Ivan.

Umupo na siya sa designated seat niya na nasa likod ng kinauupuan ko. May inabot siya sakeng maliit na papel na nakatiklop.

Walang lingon-likod kong kinuha yun. Baka kasi makita kami ng teacher. First rule kasi sa klase niya na wag siyang makakakita ng nag uusap ng hindi tungkol sa klase niya.

Binuksan ko yung papel.

"Pumunta ka after class kay Julius. May kaylangan ka daw i-meet"

Yan ang nakasulat sa papel. Ng magsalita si Mam ay tinago ko na ang papel. Nagsimula na ang klase.

**

Matapos ang klase. Pumunta ako sa studio dahil nandoon daw si Julius.

"Kanina ka pa?" Tanong niya ng makita ako.

"Nakita mo naman, kakapasok ko lang diba?"

Tumawa siya. Nag cross arm ako at umupo sa isang swivel chair. "Bakit mo ba ko pinatawag?"

Biglang may pumasok sa pinto na dalawang girl student, i mean half pala yung isa. I'm not sure. Ngayon ko lang sila nakita. Yung isa nasa 5'2 ang height then yung isa matangkad sakin. Siguro 5'8

"Pinatawag kita para ma meet mo sila." Tinuro yung dalwa. "Silang dalawa yung makakasama mo"

Tumango ako. "Nice to meet the both of you. I'm Ashely from mid-high. Bakit parang ngayon ko lang kayo nakita? Transferee?"

"Freshmens palang sila" sagot ni Julius.

"Excuse me. I'm not talking to you" ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa.

"I'm Heina" sabe nung maliit ng babae. "Freshmen"

"I'm Steph" sabe naman nung medyo boyish. "Same as her"

Nakipag shake hands ako at ngumiti. Kahit naman medyo mataray ako, mabait pa din naman ako sa iba.

"And there is her Boyfriend" tinuro ni Julius si Ivan na naghihintay pala saken sa may pinto.

"I have to go"

Nagpaalam na ko sa kanila. Pinuntahan ko agad si Ivan. Hindi ko alam na hinihintay pala niya ako.

"Bakit mo ko hinihintay?" Tanong ko.

Inakbayan niya ko. "Kakain tayo"

"Kain?" Takang tanong ko. "May klase diba?"

Umiling siya "wala si Mam" tapos sabay kindat.

Ang cute talaga ni Ivan. At hanggang ngayon, kinikilig pa din ako kahit sa mga simpleng bagay lang.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon