Chapter 10 ❤

356 10 2
                                    

Good Luck sa chapter na to :) dito na magsisimula ang lahat dahil sa next chapter mamalaman na ang katotohanan.

After the next chapter, yun na ang kadugtong ng prolouge. Stay tuned guys xx hart hart ❤❤

============================================================================

Ashely POV

Nandito kame ngayon sa field. Pag wala akong ginagawa, at walang klase, sumasama ako kay Ivan para manood ng practice niya.

Kami? Nandito din kasi si Dale. Dumating siya bigla, at tumabi saken. Binigyan na naman niya ako ng bubble tea at in faireness masarap nga.

"Hello, nasan ka?"

Napatingin muli ako kay Dale ng sagutin niya ang tawag mula sa cellphone niya. I know it was Zinnia.

Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti kapag naalala yung sinabe ni Dale saken "ang cute mo kasi". Alam kong mali pero ang totoo kasi niyan, first time niya akong sinabihan ng ganun after so many years.

"Urgent? Di ka man lang nagtext? Hahaha, sige ok lang."

Nakangiti si Dale habang nakikipag usap kay Zinnia. Ako naman nakatitig lang. Bakit hindi nagbago ang itsura ni Dale? Kung anong facial features niya noon, yun pa din hanggang ngayon. Ang pabago bago lang naman kasi sa kanya e ang buhok niya, kung hindi styles, kulay ang bago.

"tunaw na ko"

Bumalik ako sa realidad ng magsalita si Dale. Natatawa pa siya. Shit lang, nahuli pala niya akong nakatitig sa kanya.

"gwapo ko ano?"

Ngumiti ako ng pilit. "sinong nagsabe? Tss."

Hindi na siya nagsalita. Tumawa nalang siya. Hindi nalang ako tumingin dahil baka mamaya isipin pa niyang nagagwapuhan talaga ako sa kanya at baka makita akp ni Ivan, seloso pa naman yun di lang niya pinapakita.

--

After class, sumama ako kay Ivan papunta sa condo na tinitirahan ng ate niya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa condo tumitira ang ate niya e malaki naman ang bahay nila. At sa pagkakaalam ko wala naman silang war sa family.

"Akala ko ba nasa states si Kiera?" Tanong ko kay Ivan habang nakasakay kami sa elevator.

"Tumawag siya saken kagabi, bumalik na daw siya."

Hindi ko tinatawag na ate si Kiera dahil in the first place 1 year lang ang gap niya sa age namen.

Hindi din madalas nagkukwento si Ivan about sa kanya though matagal na namen siyang kilala. Kaya kahit kami hindi din matanong about sa kanya.

Kiera has laukemia. And gladly she's recovering. She went to the Multi-Arts Science School. Ayaw niya daw na makasama si Ivan sa school. Yun lang ang dahilan niya.

Naawa nga ako sa kanya because nobody wants to be friends with her kasi weird daw siya. Super ganda ni Kiera, napaka angelic ng face niya just like Ivan. Finesse kung gumalaw at talagang may breeding.

"Ivan..." halatang gulat ang kapatid niya ng makita kami pagbukas ng pinto. "Ash... pasok kayo"

Napakagat ako sa labi. At sunod na pumasok sa condo ni Kiera. Sa tagal nameng hindi nagkita, kitang kita sa kanya ang malaking pag babago. Mas lalo yata siyang pumayat ngayon though halatang bumabalik na ang ganda niya.

"hindi ba alam ng ate mo na pupunta tayo?" Pabulong kong tanong kay Ivan.

"Hindi" maikling sagot niya saken at tuluyan ng umupo sa sofa.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon