Heto na ang POV ni DALE pero maikli lang talaga to. HAHAHAHAHA. Just Wait Guys!!! xx
********************************************************************************************************
Ashely POV
"Kamusta daw ang training ni Ivan?"
Napatingin ako kay Yanni na nagtanong about kay Ivan. Nakahalumbaba ako sa harap ng bintana at nakatingin lang sa mga maliliit na students na naglalakad sa campus.
"Hindi pa nga tumatawag" malungkot na sabe ko.
Umupo si Yanni sa may upuan. "Aba teka, ilang araw na...... Tinatawagan mo ba?"
Umiling ako. "Hindi pwede, baka daw mapagalitan siya ng trainor nila. Namemesage naman siya saken through weibo yun nga lang, isang beses or dalawa lang."
Nang pumasok si Mam Cadeza para sa huling klase namen ay walang gana akong bumalik sa sa kinauupuan ko. Tinapik pa ko ni Yanni sa balikat.
Halos 3 araw na yung nakalipas simula nung nagtraining si Ivan sa ibang bansa for soccer. Hanggang ngayon hindi ko talaga maintindihan kung ano ba talagang pakana ng school at kelangan pang mag training. Ayan tuloy ako ang nahihirapan. Sa susunod talaga sasabihin ko kay Ivan na wag galingan.
Pagkatapos ng klase, kaagad kong niligpit ang mga gamit ko. Pupunta pa kasi ako ng production room, kukunin ko yung yung finalized na CD na kinonvert ko kanina.
"Kyle, pasabi kay Kuya Clyde hindi muna ako sasabay. Ibibigay ko kasi yung CD dun sa kaibigan kong taga kabilang school"
"Basta umuwi ka ng maaga dahil kung hindi......." pinutol na naman niya ang sasabihin niya. "Wala lang. Lakad na"
"HAHA!" tumawa ako ng pilit. "Nonsense! Bye."
Pagkakuha ko ng kaylangan kong kunin ay lumabas na ko ng school at sumakay ng taxi. Nagpahatid ako sa isang coffee shop sa may downtown, dun kasi ang usapan namen ng kaibigan kong si Bianca.
Pagkarating ko, nandoon na siya.
"Sorry, kanina ka pa ba?" kaagad kong sabe sa kanya pagka-upo.
Umiling siya at tumingin sa wrist watch. "Hindi, ano ka ba? Besides, ako naman yung may kaylangan sayo."
Kinuha ko yung CD sa bag at iniabot sa kanya "May inayos lang akong konti dyan, kaya medyo may pagbabago nung huli mo yang narinig" pag eexpalin ko. "Last week, kinuha din ni Dayan yung isang kanta ko."
Ngumiti siya. "Alam mo, hindi ako magtataka kung minsan, maglaban laban lahat ng kanta mo....... Teka, e sino katulong mo sa paglalapat ng tunog?"
"Minsan ako lang pag acoustic, pero more on talaga, tinutulungan talaga ako ni Kyle."
"Alam mo bang kilalang kilala si Kyle sa campus namen?" di ako makapaniwala sa tanong niya. "Minsan, nakita namen siya sa mall may kasama ang kuya mong gwapo din. May lahi ba kayo ng pagiging gwapo at maganda?"
Napatawa nalang ako sa sinabi niya. "Minsan, pakilala mo ako kay Kyle ha?" kinikilig na sabe niya. Tumango nalang ako. Biglang tumunog ang cellphone niya maya-maya pa'y tumingin ulit saken si Bianca. "I gotta go, hinihintay kasi ako ng pinsan ko." Tumayo na siya. "Thank You for the CD. Bye Ash"