Chapter 38 ❤️

233 8 2
                                    

"Kaya mo ba?" tanong ng mga kaibigan ni Luke sa kanya..

"Baka mas lalo kang ma injured kapag pinilit pa naten.."

Lahat ay nag aalala para sa kalagayan ni Luke. Matapos nilang magpractice para sa dance performance na gagawin nila para sa kanilang huling video, sumakit ang paa niya dahil na injured ito noong lumaban siya ng tournament sa MAIS.

Dumating si Ms. Celine kasama si Sir David na siyang kanilang mentors..

"Hindi naten pwedeng ipilit ang kung anong hindi pwede.. Luke, mas makakabuti siguro kung wag ka ng magperform."

"Pero Ms. Celine.. Sampu nalang kami tapos mawawala pa ako"

"Oo nga Ms. Celine.." sagot naman ni Lance. "Ibig sabihin hindi din namen siya makakasama para sa huling video na gagawin? Hindi ba magtataka ang mga audience kagapg nagflash yung 1st video na nandoon siya at 2nd video na wala siya.."

"Guys look.. Kung ipipilit nating magperform si Luke hindi naten masasabi na baka anytime on stage bigla siyang mag collapse. Malaking issue yun dahil because they will blame the school for that. Yung nangyari kay Ashely from the last performance, diba muntikan na nateng ika-disqualified yun? At no nalang ang sasabihin ng parents mo Luke kung sakaling lumala yan? Maybe we really want the title but your health is more important.."

Nagkaroon na naman ng panibagong problema ang grupo nina Nathan para sa final competition.. Iniisip niyang may mga pagbabago na naman sa routine at magbabago na naman sila ng record para sa isang kanta.

Nitong mga nakaraang araw, madalas tahimik si Nathan dahil bukod sa napapagod na siya sa mga practice nila tuwing hapon napapado na din siya sa malimit nilang pag aaway ni Yanni.

May mga bagay na gustong gawin si Nathan kasama si Yanni pero ayaw naman nito dahil natatakot siyang may makakita sa kanilang humahanga kay Nathan. Nauunawaan naman niya ang girlfriend niyang si Yanni, dahil may mga pagkakataon na naawa siya dito lalo na kapag binabash siya sa social accounts. Dahil doon, hindi na sila nakakalabas ng ayos.. Kaya nga minsan naiisip niyang umalis nalang din sa grupo pero hindi niya magawa dahil gusto niyang manalo sa competition kasama ang mga ito.

Lagi niyang tinatanong ang sarili niya kung ano bang pwede niyang gawin para kay Yanni, dahil kahit ang ipagtanggol ito'y hindi niya magawa dahil grupo naman nila ang masisira at mawawalan sila ng suporta. Sa tuwing nakikita niyang nakangiti si Yanni kapag nagbabasa ng mga negative comment, nasasaktan siya dahil alam niyang sa loob loob ni Yanni, nasasaktan din ito. Pakiramdam niya'y wala siyang kwentang boyfriend.

Nag isip si Nathan ng paraan para makabawi kay Yanni at ipakita sa lahat na kaya niyang ipaglaban ito.. Dahil hindi na niya kaya pang mag away sila ni Yanni at makitang nasasaktan ito. Gusto niyang matanggap ng mga taong humahanga sa kanya si Yanni bilang girlfriend niya.

"Ashely.." nilapitan ni Nathan si Ashely habang busy ito sa pag aayos ng arrangment ng kanta ni Yanni kaharap ang piano sa loob ng practice room. "Yan ba yung kanta na gagamitin ni Yann."

"Oo.." Tumigil si Yanni sa pagtugtog. "Bakit ba nag away na naman kayo? Hindi maganda yan."

"I know at gusto kong bumawi para sa kanya. Can you do me a favor?"

******

Ashely POV

"We're done..."

Pagkasabi ko noon.. Nagsigawan ang lahat ng mga kasama ko sa film and production dahil ibig sabihin tapos na ang lahat ng hirap namen dahil tapos na ang kahuli-hulihang video na ginawa namen. Tapos na ang lahat ng video na na requirements para sa final competition. At ilanng araw nalang, final competition na sa NUA.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon