Chapter 20 ❤️

234 8 1
                                    

It's Good to be back. HAHAHA :D Akala mo naman ang tagal kong nawala.

Pahinga muna tayo kay Ashely dahil masyadong natorture ang dadamin niya...

Ito na ang oras niyo TEAM IVAN <3 Maikli lang po ito dahil saloobin at explanation ni Ivan ang papakinggan naten kung bakit ba siya umalis at anong mararamdan niya sa pag alis ni Ashely.

=====================================================================

IVAN POV

Pabalik na ko sa school ngayon dahil ilang araw din akong nawala.... Wala akong pinagsabihan ni isa sa mga kaibigan ko o kahit kay Ashely na gusto kong isurprise dahil may nakapagandang balita ako sa kanya.

Kagagaling ko lang sa U.S dahil sa isang napakahalagang bagay saken, at sa tuwing iniisip ko ang nangyari sa mga araw na nilagi ko doon, pakiramdam ko isa ako sa pinaka-swerteng tao sa buong mundo.

"Hi Ivan" bati ni Kelly saken... kasama ni Ashely sa production team.

"Nakita mo ba si Ashely?" tanong ko dahil gusto kong siya muna ang puntahan ko.

"Doon ko sila nakita sa may student center kasama sina Dale" turo nito. "Puntahan mo nalang siguro... Sige ahhhh" umalis na ito.

Dale? I smirk. Si Dale na naman ang kasama niya? Sila ba ang magkakasama sa mga araw na wala ako?

Dali-dali akong naglakad papunta sa student center at malayo palang natatanaw ko na silang dalawa na magkatabing nakaupo malapit sa puno.. At mukhang masayang masaya silang magkasama... Masakit tignan pero galit ang unang nararamdan ko ngayon.

Tinawag ko si Ashely at halatang gulat na gulat siya ng makita ako. Hindi pa man ako nakakalapit ay nauna na si Ashely na lumapit saken.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Bakit nandito ka?!" galit na tanong ko at tinignan si Dale. "At bakit kasama mo siya?" hindi makasagot si Ashely at panay ang lipat ng tingin niya samen ni Dale. Hindi ko na maintindihan si Ashely kaya kung ano-ano na ang nasabe ko.

Lumapit si Dale at nasa likod siya ni Ashely.. "Mas mabuti pang sa studio nalang ni Lance naten pag usapan ito"

Ubos na ang pasensya ko.... Hindi ako nagdalawang isip na suntukin agad si Dale. Napahiga siya sa lupa. Pinipigilan ako ni Ashely pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko na kayang pigilan ang galit ko. Nilapitan ko si Dale at sinuntok muli. Kinuwelyuhan ko siya. Balak ko pa sana siyang suntukin pero may pumigil na saken..

Doon ko nalang napansin na madami na palang tao ang nasa paligid namen. Inalis ko ang mga kamay ni Gio na pumipigil saken at inayos ang uniform ko. Tinulungan naman ni Kyle at Lance si Dale na makatayo. Napatingin naman ako kay Ashely na umiiyak kasama si Yoona.

At dahil may mga nakakitang faculty teachers.... na ireport agad ito sa guidance pero sa Office of the President kami pinapunta. Hindi lang kami ni Dale kung kaming pito kung saan kasama si Lance na mismong anak ng president.

Pareho kami ni Dale na nasa harapan ng Schools' President at nasa isang gilid lang sina Ashely... Hindi naman ito nagalit ng sobra... Napagsabihan kami lalo na si Lance at maging ang magkapatid na sina Kyle.. At sa huli, napunta kaming dalawa ni Dale sa Detention Room. Expected ko na ito.

Sa buong tatlong oras, tanging si Dale lang at isang Guidance facilitator ang kasama ko sa Detention Room... medyo kalma na ako sa mga oras na ito pero hindi ibig sabihin noon ay ok na saken ang lahat. Dahil sa nakita ko kanina, hindi ko maiwasang hindi isipin na may namamagitan na sa pagitan nilang dalawa. Napaisip din ako kung bakit hindi man lang pumalag si Dale sa suntok ko, ni hindi din niya naisipang gumanti ng suntok.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon