Chapter 13 ❤️

279 12 3
                                    

Don't you worry guys.... Lahat ng bias niyo may POV ☺️

===========================

Clyde's POV

"Bakit wala pa din si Ashely?" Tanong ko kay Kyle. "Sigurado ka bang tinawag mo siya"

"Oo naman. Ilang beses pa nga akong kumatok..."

"O anong sabe niya?" Umiling si Kyle. "Kumain ka na nga lang"

Agang aga hindi makausap ng ayos si Kyle. Kung noon nababadtrip ako kapag ganyan ang mood niya hinsi na ngayon. Nasanay na kumbaga.

Tumayo ako at nagpunta sa kwarto ni Ash. Sa tuwing kumakatok ako sa pinto niya ay kasabay nito ang pagtawag ko sa pangalan niya.

Nakailang katok ako pero walang sumasagot. Kaya kinuha ko ang spare key ng kwarto niya at napilitang buksan ito.

Wala si Ash sa kasama. Hinanap ko siya sa banyo at sa ibang parte ng kwarto niya pero kahit saan ay wala siya.

Nagtaka ako at napaisip.... "Hindi kaya...."

Binuksan ko ang closet niya at ang ibang cabinet. Hinanap ko ang passport niya dahil baka umalis din siya.

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang passport niya sa isang cabinet pero hindi ibig sabihin noon ay kaylangan kong maging panatag. Dali dali akong bumaba.

"Wala si Ash"

Napatigil si Kyle sa pagkain at kaagad na tumayo. "Ano? Panong wala?"

Hindi na ko nakapag salita bagkus ay kinuha ko na ang susis ng kotse. Sumunod naman kaagad si Kyle sa kotse dala ng mga gamit naman. Habang nasa nagdadrive ako, panay naman ang tawag ni Kyle sa cellphone ni Ash pero hindi na siya makontak.

"Hello Yoona.... Nagkausap ba kayo ni Ashely kahapon?....... Hindi ba siya nagtext sayo kagabi?....... Wala si Ash sa bahay hindi din siya makontak...... Sige ikaw na ang kumausap kay Yanni sa. Sa school nalang tayo magkita. Thanks"

Humarap saken si Kyle. "Hindi daw sila nagkausap simula kahapon ng mag walk out si Ivan sa room. Hindi din daw nagparamdam sa kanila si Ash maghapon"

Nag iisip ako kung saan siya pwedeng pumunta? Kung kay Zoe siya pupunta, paniguradong sasabihin naman agad noon saken. Wala naman siyang ibang pwedeng punatahan dito sa bansa dahil nasa ibang bansa naman ang kapatid ni Daddy ata ang mga pinsan namen.

Hindi din siya makakapunta sa rest house namen dahil in the first place hindi niya alam kung papaano pumunta doon. Kung sa hotel naman namen siya pupunta, tatawag naman kaagad saken ang pinagkakatiwalaan ni Daddy doon.

Mabilis pa sa alas kwatro kaming nakarating ng school. Kaagad kaming sinalubong ni Gio pagkababa ng kotse.

"Tumawag saken si Yoona" hinahabol ni Gio ang paghinga niya. "Nawawala daw si Ashely?"

"May alam ka bang pwede niyang puntahan?" Tanong ni Kyle. Umilig si Gio.

"Let's Go. Baka sakaling may alam ang iba" sabe ko kaya naman kaagad kaming nagmadali papunta sa studio ni Lance.

Pagbukas ko ng pinto ay nandoon na ang ilang kaibigan namen. Nandoon na din si Yoona kaya paniguradong alam na ng mga ito ang nangyari.

"Nakontak niyo na ba si Ash?" nag aalalang tanong ni Yanni.

"Hindi pa" sagot ko. "Wala ba talagang tinawagan o tinext sa inyo si Ash kagabi?" umiling silang lahat.

"Ano ba tong nangyayari saten?!" napatingin ako kay Lance. May halong pagkainis sa boses niya. "Nasira na ang pagkakaibigan ni Ivan at Dale. Nagpabaya na sila pareho."

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon