WARNING!!!!!!!!
======================================================================
Ashely POV
"Ano bang problema kung tanggapin mo ang offer noong Seth?"
I rolled my eyes dahil maya't maya itong tanong ni Ate Jessica.. Who knew na nagkakaroon na pala ng pagtitinginan si Seth at Ate Jessica and I'm glad that after 3 long years, she's now opening her heart to anybody pero hindi ito ang issue...
Seth came to house. Who's is Seth? Siya yung may ari ng isang talent agency or company let say. And he's offering me a good job yet a good money also. He already gave me the contract, he wants me to review it. And it has a good terms and condition pero hanggang ngayon, pinag iisipan ko pa din kung dapat ko bang tanggapin ito dahil.
"Sa tingin ko naman walang problema kay Seth..." pagpapatuloy ni Ate Jessica sa mga sinasabe habnag ako'y busy sa paghahanda ng dinner. "This is your chance to fulfill your dreams... Bakit sina Chad? Tinanggap na ang offer niya"
"Ate Jessica.. It's not what you think. It's not like, one snap and you'll be an artist? I will undergo to a training and I don't want to do that. Look, I'll think about it first." I crossed my arm. "So now tell me, kelan pa kayo nag dedate ni Kuya Seth?"
"Almost 1 month na din.." lumapit siya saken ang she poke my head. "Tawagin mo na sila dahil kakain na tayo.."
Hay.. Mukhang ayaw yatang pag usapan ni Ate Jessica ang tungkol sa kanila ni Seth. Buti pa sila ni Kuya Clyde, masaya sa lovelife nila. Samantalang ako, heto... Araw-araw na nakakaramdam ng takot dahil sa lihim na relasyon namen ni Dale. Si Irene naman mukhang malapit na din magka lovelife. E si Kyle kaya? Tss.. Wala naman yung ginawa kung hindi ang magpaasa ng babae.
"Guys.. School break na next week. Anong plano naten?" tanong kaagad ni Luke na halatang excited para sa school break.
"What if mag adventure tripping tayo?" suggestion ni Yanni. "Or hindi kaya bumalik tayo dun sa beach kung saan nag shoot tayo ng video. Ang ganda dun diba?"
"Oo nga.." sagot naman ni Yoona. "But why don't we go to an international trip? Tayong lahat.."
"Hindi ako pwedeng mag international trip.." halos madismaya yata ang mukha ng ilan nang sabihin yun ni Dale. "Kaylangan kong samahan si Yeri.. Magbabakasyon siya ng dalawang araw sa dati niyang pamilya. Sorry guys"
"Ikaw Ashely? Saan mo balak pumunta?" tanong ni Stephen.. "Hindi mo ba dadalawin si Ivan sa training niya?"
"Oo nga Ashely... Kelan nga pala ang final game nila? Balita ko naka 2 wins na daw sila e." imik naman nitong si Lance.
"Ahhhh..." pasimple akong tumingin kay Dale at mukhang naghihintay din siya ng sagot. "Hindi ko alam e.. Madalang lang kasi kaming mag usap ni Ivan. Busy siguro" napakamot nalang ako sa ulo dahil sa pagsisinungaling ko dahil ang totoo, gabi-gabing tumatawag si Ivan saken.
Nang ibalik ko ang atensyon ko sa pagsusulat.. Lumapit saken si Callie na kakadating lang at may ipinatong na isang bouquet of mixed white and red roses sa harapan ko. "It's from Yohan.. Nasa labas siya kanina at mukhang hinihintay ka." ngiting ngiti ito saken. "May gusto pala sayo si Yohan.."
"Yohan??? You mean si Yohan na member din ng society na nasa group ni Aaren?" natatawang tanong ni Gio. "Mukhang dumadamoves ang loko dahil wala si Ivan."
"Haba ng hair ni Ate...." panunukso ni Yanni. "Bagay kayo.. Aba friend, magaling yun kumanta.."
Hindi ko pinapansin ang bulaklak sa harapan. Napadiin tuloy ako sa pagsusulat. Wag ko lang makikita si Yohan dahil malalagot siya saken. Ngayon pa talaga siya eeksena kung kelan naririnig ni Dale? Pasimple kong tinignan si Dale.. And he look pissed off.
BINABASA MO ANG
The Way We Were
Любовные романыWhat if you fall in love to your boyfriend's best friend?