Chapter 3 ❤️

338 9 1
                                    

Pagkadating namen sa school, kaagad kaming dumiretso sa Performers, Production and Multimedia Society Room. The society has three rooms, one is a Dance Studio, second is for production and third is a multimedia room.

There is three groups in this society kaya halos malaki talaga, the performers, producers and people in multimedia.

Hinanap ko kaagad si Ivan pero wala pa siya. Tss. Patay talaga siya saken. Nagsinungaling na nga late pa..

"We will gonna start in 3 minutes." Sabe ni Julius. Ang president ng society.

"Ang cute talaga ni Julius" biglang bulong saken ni Yanni.

I smirked. "Nasan nga pala si Nathan? Wala pa din?"

"Hindi ko nga alam e. Hindi naman yun nalelate kapag may meeting." Tumingin kami pareho sa paligid. "Even Stephen and James, hindi din naman sila nalelate pero they're still not here."

Napaisip ako. Siguro nga magkakasama silang magkakaibigan kagabi sa sinasabe ni Kuya Clyde na Bar. Yanni is right, usually hindi talaga nalelate ang mga yun because they are the pride of the society.

"Si Ivan late din?" Tanong ni Yanni.

"Yeah. Hindi ko din alam kung bakit" tanging sagot ko na lang.

Hindi nagtagal ay sunod sunod na pumasok sina Stephen at James kasama sina Nathan, Bryan.

Maya-maya pa ay dumating naman si Zander kasama si Gio at Yoona. Nag wave saken si Yoona nag smile back naman ako.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Ivan. Para tanungin kung aattend siya. Pero bago ko pa ma i-dial ay pumasok na siya kasama si Luke at Lance, Zinnia at Zoey.

"Hi Ash" bati aga ni Zinnia at kiniss ako sa cheeks. Umupo siya sa tabi ko.

"Inunahan mo talaga akong maka kiss sa girlfriend ko?" Nakangiting tanong ni Ivan kay Zinnia. Pero inisnaban lang siya ni Zinnia

Umupo naman si Ivan sa left side ko.

"Nag sleep over pala si Dale sa inyo?" Zinnia asked.

I nod. "Kanina ko lang din nalaman."

Hindi na nakapag salita pa si Zinnia dahil nagsalita na si Julius at nagsimula ng mag meeting.

Alam kong nagtataka kayo kung bakit hanggang dito ay magkakasama pa din kaming magkakaibigan.

Madami kaming members ng society at lahat may kanya kanyang talent. Wala talaga balak sina kuya sumali dito, niyaya lang sila ni Stephen, James at Nathan. Sila kasing tatlo ay talagang magaganda ang boses.

Si Kuya Clyde, may boses din naman siya. Napilitan na din siyang sumali dahil kay Zoey na member din at sadyang maganda ang boses.

Ganun din si Gio. Singer din kasi si Yoona. Magaling din naman sumayaw si Gio at marunong kumanta.

Si Kyle naman, dahil mahilig siya sa instruments, sumali na din siya. Magaling din kasi siyang gumawa ng compositions at mag rap.

Si Dale, Lance, Luke, Gio at Bryan sila talaga ang lead dancers ng society. Minsan kumakanta din pero hindi ganung kadami. Si Ivan naman magaling sumayaw at kumanta kahit sabe nila medyo boses babae daw.

Si Zander? Sumali lang siya para mag pa pogi. I'm deadly serious. Pero dahil kaibigan siya nina Kuya, hinahayaan nalang siyang sumayaw.

Nahati sila sa dalawang group dahil masyado daw silang madami kung pagsasamahin. Sina James at Nathan ang lead singers ng isang grupo kasama si Kuya Clyde at si Kyle as Rapper. Si Dale at Gio naman ang lead dancers. Tapos sa kabilang grupo, si Stephen at Dale ang lead singers. Si Luke, Lance at Bryan naman ang lead dancers. At si Zander? Napilitang maging rapper.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon