Chapter 28 ❤️

211 11 3
                                    

Cast of Characters:

f(x)

Krystal - Ashely

Victoria - Nadine

Amber - Steph

Luna - Heina

Sulli - Allanis

Excited? Ok. Ok :) HAHA

=======================================================

Dale POV

"Lagi mo nalang ba siyang titignan sa malayuan?" Panunuksong tanong ni Yanni matapos niyang kumuha ng tubig sa ref dito sa studio ni Lance.

"Ano bang tanong yan?" natatawang tanong ko sa kanya.

Pero sa halip na magsalita. Ngumiti lang siya. Tinapik niya ako sa likod bago siya muling bumalik sa tabi ni Nathan.

Minabuti ko nalang na umiwas ng tingin dahil baka mamaya may makapansin na saken....

Maluwag kong tinanggap sa sarili ko at sa buong pagkatao ko na nagkabalikan ng muli si Ivan at Ashely. Masaya ako dahil nakikita kong masaya din silang dalawa. Pero minsan, hindi ko maiwasang hindi masaktan lalo na't nakikita ko silang magkasama at mas mukhang mas lalo nilang minahal ang isa't isa ngayon.

"Hindi naman sa ayaw ko kay Ivan" panimulang sabe ni Gio. "Pero pare, mali naman yatang ipaubaya mo nalang si Ashley ng ganun-ganun na lang?"

Inakbayan ak ni Kyle. "Kung ako sayo, ipagbalaban mo yan... Sabihin mo kay Ashely kung anong totoong nararamdaman mo sa kanya kung i-reject ka man niya, ok lang at least alam niyang gusto mo siya."

Nagsalita muli si Gio. "Pare 10 years... 10 years mo ng sinosolo yang pagmamahal mo kaya mas lalo mo lang siyang minamahal.."

Tumayo ako at ininom ang alak mula sa baso. "Hindi ko yata kaya.."

"Hindi ka naman torpe dahil kita naman namen kung paano mo niligawan noon si Zinnia."

"Ewan... Pero pagdating kay Ashey, nag-iiba talaga ang lahat. At tsaka hindi niyo ba pansin? Laging masama ang tingin saken ng babaeng yun. Pakiramdam ko, anytime, kakainin niya nalang ako bigla e."

"Ayaw mo nun?"dahil sa tanong na yun ni Kyle, nagtawanan kaming tatlo. "E ikaw naman kasi, lagi mo nalang pinairal yang seryoso mong mukha. Try mo kayang ngitian siya. Yung natural"

Natatawa nalang ako sa kanila sa tuwing ganito ang pinag uusapan namen. Pero sa totoo lang, masaya dahil kahit magkakaibigan kaming lahat, pinupush pa din nila ako sa mga bahay na hindi na pwede.

Nakakatawa diba? Nasa gwapo kong ito hindi ko masabi ang nararamdamn ko kay Ashely... Hindi naman ako torpe, natatakot lang ako na ma-reject at hindi imposible yun dahil ang isa pang dahilan, sila ni Ivan.

But I can't stop myself staring at her lalo na't magkasama kami sa studio ni Lance, sa classrooms at sa club.. Every single day, Ashely is really good in my eyes. So then I decided na hahayaan ko nalang ang sarili ko at mag iipon nalang muna ng lakas ng loob para sabihin kay Ashely ang lahat. Kung ano man ang mangyari sa pagitan namen at samen ni Ivan, bahala na ang nasa itaas.

Wala naman akong balak lapitan si Ashely pero sadyang yatang gumagawa ng paraan ang tadhana.... Araw ng 2nd screening para sa mga nag o-audition sa performers club at isa ako sa mga judges along with James, Daphne, Hanna, Ivan at Ashely.

Nagpunta ako sa backstage para kumuha ng folder pero hindi ko inaasahang magkakasabay kami ng kuha ni Ashely at sa iisang folder pa. At dahil mukhang badtrip na agad siya, naisip kong mas lalo siyang inisin.

The Way We WereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon