"Sorry Ashely if I asked you a favor like this.."
Hinawakan ni Ashely ang mga kamay ni Suzy. "It's ok for me to help.."
"Hindi naman namen hinahangad na manalo.. Ang makapagperform sa Annual Competition until the very last ay malaking bagay na para samen. Our school don't have any intentions para lumaban dahil alama naman namen kung sino ang mananalo. When we found out na lalaban ulit ang grupo nina Clyde at grupo nina Yanni. hindi na kami naghangad pang manalo."
"You should always have the courage to fight.. We really can't tell baka kayo manalo." Ashely is smiling towards to her then she look at Irene habang nakatayo sa di kalayuan. "I think I have to go.. Hinihintay na kasi ako ni Irene."
"Is she your sister?" Ashely nod at her. "I guess so..."
"Suzy.. Please, don't let anyone knows this. Malaking issue ito pag nagkataon."
"You have my words..."
=================================================================
Dale POV
Akala ko panaginip lang.... Pero totoo pala...
Nagri-ring ang cellphone ko kanina pa. Napilitan akong sagutin ang tawag kahit nakapikit pa ako at inaantok.
"Hello..."
"Dale... Ano?! Tatlong araw ka na naming hindi nakikita... Hindi mo man lang kami sinabihan na may sakit ka pala. Kung hindi ko pa natanong si Yeri kahapon hindi ko pa malalaman. Wag mo sabihing aabsent ka din ngayon?"
"Saturday diba? Walang pasok..."
"Yeah. Yeah.. It's saturday pero dude, nakalimutan mo yatang final game ngayon ng best friend mo" biglang nagmulat ang mata ko dahil sa sinabe niya.. "See you at 10 AM"
It was just 7:30 in the morning at maaga pa para bumangon.. It's Ivan's final at nangako kami sa kanya na we will be there. At kapag napili siya, he'll go to a training para lumaban sa international game.
Suddenly... I receive a text and it's from Ashely.
"Good morning you little brat.. I heard Kyle was talking at you. Get up!!"
Napangiti ako sa simpleng text na natanggap ko mula sa kanya.. Muli kong inalala ang mga nangyari kahapon......
3 days na akong absent from school. Tanging si Yeri lamang nag nakakaalam. Panay naman ang text saken nina Gio at Kyle pero wala akong ganang mag reply. Late in the afternoon, nagulat nalang ako ng makitang si Ashely na nakatayo di kalayuan sa may main door. I thought it was Yeri dahil siya lang naman ang nakakaalam ng passcode ng bahay ko.
I asked her in a rude way kung bakit siya nandito.. She told me na nag aalala siya. Ang sarap sanang pakinggan ng mga sinabe niya pero naalala ko yung araw na sinabihan niya akong layuan ko na siya. At ginawa ko yun. I gave up at ayaw ko na.
Somehow, nakaramdam ako ng saya lalo na ng ipagluto pa niya ako. Napansin kong may kakaiba kay Ashely.. The way she talks and the way she looks at me. Nang masugatan si Ashely dahil pinulot niya ang mga basag na piraso ng plato at baso, sobra akong nag alala.. Ayaw na ayaw kong makita na nasasaktan si Ashely.
Dahil sobrang pag aalala ko, hindi ko napigilan ang sarili ko na pagsabihan siya dahil sa kakulitan niya. Hindi naman kasi siya nagpupumilit na dalhin ang plato, hindi na yun mababasag. Pero laking gulat ko ng magsalita siya ng 'I Love You' . Nagtagpo ang tingin naming dalawa. Hindi ako sigurado kung sinabi ba niya talaga ang mga salitang yun..
Mas lalo kong ikinagulat ng bigla akong halikan ni Ashely... Para akong tuod na napako sa kinauupuan ko. Everything stopped, even my heart stopped for beating. Natauhan ako ng bigla niya akong yakapin.