Round 2
"Blake?"
"Kathleen." I couldn't fake a smile. I simply pressed my lips together at nag-iwas ng tingin.
"You two haven't seen each other for long, huh?" Leo asked. Walang sumagot sa'ming dalawa.
"Hintayin na lang natin ang order ni Kathleen," tita said. She is now scanning through the menu book. "Itong dalawa, ngayon ay halos hindi na nagkakasama noh, darling? Parang noon lang ay hindi mapaghiwalay." Tito nodded and responded.
"Ang dami pa nilang pictures noon sa Baguio nung gumraduate sila." Nadama ko ang mabilis na pagkalabog ng puso ko.
Wait, Baguio? May sumpa ba ang Baguio?
"Yup, siguro ay napuntahan nila ang lahat ng tourist spots doon. Nakakainggit. Punta rin tayo next time, darling." Tumango lang si tito at saka ngumiti.
"Anyways, siguro kapag naging ganap na professional na ay talagang maraming nagbabago," dugtong ni tita.
"Nakakahiya kasing abalahin pa 'tong si engineer, tita," biro niya.
"Engineer ka rin naman, Kath," Leo insisted.
"Eh, palpak nga lang."
Biglaang nablangko ang isip ko.
"Hay, tinatamad na 'kong pumili," Kath chuckled. "You know what, Leo. You know my taste, so you pick for me."
Leo chose a food for her, and then looked at me.
"May napili ka na, Blake?" Leo scooted closer to my direction. It's thoughtful of him to do this. Alam niyang out of place ako sa kanilang pamilya, pero ano na bang meron sa dalawang 'to?
"Um, yeah. Ito sana." I pointed at the picture.
What's going on with me? Parang biglaang pinipiga 'yung puso ko. Nagkaka-acid reflux ba ako?
"Pad Thai? 'Yun lang? Subukan mo ang Tom Yum." I simply nodded. "Are you okay?" Yumuko siya para titigang mabuti ang mukha ko.
"Oo naman, bakit?" Naaalala ko na naman ang huling encounter namin ni Kathleen when I confronted her. Over the years, as I remember what one of my most treasured people in my college life did to me, nawala na yung 'ate' at naging Kathleen na lang.
"Is she okay? Para siyang biglang pinagpawisan at namutla. Baka naman ino-overwork mo 'yang si Blake, Leo."
"Ma—magkatrabaho kayo ngayon?" She was quick to ask to Leo. Hindi ako makatingin nang diretso kay Kathleen without feeling all these strange emotions.
"Oo, at coincidence lang daw," tito answered.
"Hindi po ako nao-overwork. Sa init lang ata kanina."
"That's probably from all the site visits." Naglagay ng tubig sa baso si Leo at itinabi sa'kin. "Ihahatid kita sa apartment mo after this." Sandaling pinisil ni Leo ang kabilang balikat ko.
Bakit niya ginagawa 'to? Ganito ba siya sa lahat ng nakakatrabaho niya? And why can't he just leave me alone so I can contemplate what has been going on with him since I was gone? Akala ko ay wala na. Akala ko ay hindi na ako bothered, pero bakit ganito?
"No need, I'm fine. Thank you. Ayokong tumambak ang gawain ko eh."
"I insist. Leave them to me."
"Please don't worry about me, Leo. I can handle," mahina kong pagkasasabi na nakatingin sa mata niya at nagpilit ng ngiti.
Okay na okay ako.
"Baka ang dragon ko lang 'to," I joked ko to stop them from asking questions at saka nag-iwas na ng tingin sa kaniya. "Order na po tayo. Salamat nga pala ulit, tito."
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...