Chapter 9

131 12 6
                                    

The Big Friendly Giant

"Sold!" Nakaestatwa ako ngayon dito sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa akin ang mga tao. Alam ko kung ano ang iniisip nila, na patay ako ngayon kay Leo dahil sa sinuntok at sinukahan ko siya.

"Ang haba ng hair ng ate girl nyo Blake!" Nagulat ako sa biglang sumigaw. Hindi ko alam kung kanino o saan 'yun galing. 'Yung tensyong naramdaman ko ay bahagyang nabawasan dahil sa tawanan ng mga tao.

"Pwede ka nang bumaba to be with your master. Thank you," magalang na nakangiting pagkakasabi nung president sa'kin. Bumaba ako ng stage at sinalubong ako ni Leo.

"Uwian na, may nakakuha na kay Leo," dinig kong sabi nung babaeng malapit sa akin. Parang baliktad ata? Si Leo ba ang ni-bid dito?

Nasa harap ko na siya ngayon. Tiningnan ko lang ang mukha niyang ngiting-ngiti at saka kinindatan niya 'kong nang-aasar.

"Hi, slave," pang-aasar niya sa'kin. "See, I keep my words."

"Sira ulo ka ba? Bakit ka gagastos ng ganun kalaki ha?"

"I got bored so I made it big." Tumawa pa ito.

"Ganiyan mo ba 'ko kagustong pahirapan?"

"You guess." Sinimulan nang itali nung babae ang kamay ko para ibigay sana kay Leo pero pinatigil niya ito. "No need. She won't run away."

"Sure ka?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Yes," confident niyang sagot at saka umalis na 'yung babae. Lumapit sina Klea at Alyssa sa akin. 'Yung gagang si Klea ngiting-ngiti na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Leo. Mas lalo nang maiintriga 'tong lokang 'to kahit wala namang kaintri-intriga.

"E—ehem, Blake, kamusta?" Parang nag-tetelepathy ngayong tumitingin ito sa akin na hindi ko naman maintindihan kung anong nasa isip niya ngayon.

"Sinama mo pa 'ko dito, Klea," reklamo ni Alyssa. "Baka magalit master natin."

"Excuse us," sabi ni Leo sa kanila ni Klea at Alyssa.

"Ha?" tanong ko sa kaniya pero hindi na siya sumagot. Hinawakan at hinila niya na lang ako bigla sa pulso. Napasunod ako sa kaniya habang nakalingon sa kanila Alyssa na sumusunod ang tingin sa'kin. "Close na ba tayo?" Tinanggal ko ang kamay niya sa pulso ko at saka huminto ako, dahilan para huminto rin siya.

"I gave you a ride and you haven't even returned my jacket," panunumbat nito sa akin at saka nilingon ako. Tinatamaan ng sikat ng araw ang mukha niya.

Ngayon ko lang ulit naaalalang pinagpalang nilalang nga pala si Leo. May matangos na ilong siya, maganda ang hugis ng panga niya, may matang medyo chinito, may labing mapula, at higit sa lahat, matangkad siya at fit na fit ang katawan. Nakakalimutan ko na nga lang ang qualities niyang 'yun dahil sa pinaggagawa niya sa'kin.

"Jacket?" Napatingin ako sa cottage na malapit dito kung nasaan ang bag ko. "Good thing we're here." Naglakad ako papunta sa cottage.

"Hoy, saan ka pupunta?" Napasunod siya sa akin, kaya bahagyang namuo ang ngiti sa labi ko. Ngayon ikaw na ang sumusunod sa akin. Nung nakaraan ako pa ang pinapahabol at pinaghahanap mo lagi sa'yong hayop ka.

"Jacket mo sabi mo eh." Kinuha ko ang bag ko at hinalukay ang laman nito para kunin ang varsity jacket niya. "Oh ayan, wala na 'kong utang sa'yo." Inabot ko ito sa kaniya.

"Are you sure?" Napangiti ito nang maloko. "Baka gusto mo pang amuy-amuyin eh." Napanganga ako sa sinabi niya at saka hinampas ko sa kaniya ang jacket niyang sinalo niya naman agad.

"Yuck! Kilabutan ka naman!" Ang lakas ng tawa niya.

Happy ka, gorl?

"Guilty ka?" Nilapitan pa 'ko lalo nito habang isinasabit ang jacket niya sa balikat niya para tingnan ako nang nakakaasar.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon