A/N: I know na very late na nitong update ko, but like what I said sa previous update ko, loaded ang schedule ko ngayong phase. Sooo, thank you so much for the patience! Anyways, I published Writing Thoughts to share to those who are exploring pa sa writing, like me. Maybe the learnings that I share in there can help. Please feel free to comment in there kapag may maibibigay din kayong tips and advice for me. It'll be a great help! We can do this. xx
**********
5 months later
"Good afternoon. Can I get these off your table?" magalang kong pagkakatanong sa mga high school student na kanina pa ang pictorial sa utensils dito sa cafe. Maging ang sa paper place mats namin kung saan nakalista ang mga kape, tea, other drinks, at pastries ay nakailang pictorial na sa kanila with flash.
"Mamaya na po, ate? Pwede?" ma-attitude na sagot nung isa sa kanila. "Thank you," at sinundan niya 'yun ng sarcastic na ngiti. Naiirita na 'ko ha. Kanina pang puno ang tables namin pero ayaw nilang bitawan ang mga baso nilang pwede nang matirhan ng gagamba.
"Oh, alright, alright. It's just that medyo ano kasi. Marami na ang naghihintay." Tiningnan lang ako ng mga impakta na walang sagot pero 'yung tipong parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. "Anyways, enjoy the rest of the day." Pinilit ko ang ngiti ko sa harap nila pero nagpakawala ng pag-irap na kanina ko pang pinipigilan pagkatalikod ko mula sa kanila.
"Asar siya oh," bulong ni Vianca noong nakasalubong ako at saka tinapik ako sa balikat habang ang kanang kamay niya ay may hawak na frappe.
"Switch tables please?" Ngumuso ako pero natawa lang si Vianca at saka nilagpasan ako. Damot naman.
Nagiging hectic na talaga dito sa cafe tuwing pagpatak ng 5 PM. Ngayon ay magdidilim na pero puno pa rin kami. Kadalasan namang dumadayo dito ay ang mga estudyante din sa university dahil sa kaharap lang ang bagong tayong cafe na 'to ng gate ng campus.
"Blake!" Habang tinitingnan ang mga ready na na inumin sa counter at kung saang table sila ay napalingon ako sa boses ng manager namin.
"Po?"
"Mag-break ka na muna kung gusto mo. Kakapasok lang naman ni Ronnie. Ikaw pa lang ang walang break dito satin."
Si Ronnie, 'yan ang isa sa mga night shift dito sa cafe. Kumuha rin ang cafe ng panggabihan dahil sa nagiging tambayan na rin 'to ng ilang estudyanteng dito gustong magpuyat kakaaral. Brilliant, 'di ba?
"Busy pa eh baka mahirapan kayo. Okay lang naman ako."
"Hay nako! Baka mapagalitan pa 'ko ni boss. Ang lakas mo pa naman dun." Hinila niya mula sa akin ang listahan ng mga numero ng table.
"Grabe ate!" Natawa ako.
"Tama na sa pagiging workaholic ha. Layas!" biro sa akin ni ate Hannah sabay tinulak ako palayo.
Nagtungo ako ng maliit na terrace ng cafe sa second floor na exclusive lang sa mga crew dito. Pagsandal ko sa railing ay sandali akong natulala sa dumidilim na langit habang inuunat ang mga braso kong parang bugbog. Sa dami kasi ng isinulat kong formulas kagabi sa Structural Theory para sa reviewer ko, trabaho sa cafe naman ang inaatupag ko ngayon.
I actually never pictured myself having the opportunity to have an experience sa pagtatrabaho sa ganitong industry kahit part-time lang. Kapag weekend ay full shift ako dito. Kapag naman weekdays ay nakadepende sa vacant ko. Bottom line is I'm grateful for this experience. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya hinablot ko ito.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...