Chapter 5

161 13 13
                                    

Italian Shrimp Pasta

"I'm done playing your games, Leo."

"Woah," sinundan niya ulit ng tawa. "Chill out."

"Chill out your ass." Nakayukom nang mahigpit ang mga kamao ko, at saka napatingin siya doon.

"Are you going to punch me again?" sarkastiko niyang pagkakasabi. "C'mon, punch me." Medyo inilapit niya ang mukha niya sa'kin na nanghahamon. "But in the end, you'll feel bad, because the clip? I didn't do that."

Bakit naman ako maniniwala sa kaniya?

"You're lying." Tuloy lang ang masama kong tingin sa kaniya. Akala niya ba ay matitinag ako ng paglapit niya ng mukha niya sa'kin? Paanong ang ganito kapoging mukha ay pagmamay-ari ng isang demonyo?

"Do you really think that I'd want a record of me covered with your vomit?" Napangiwi siya na parang nang-iinsulto at saka dumistansya ulit sa'kin. "For the record, hindi ka man lang nag-sorry sa'kin kahit para dun na la—"

"Tingin mo ba ay maniniwala ako sa'yo?"

"I can take a credit for that to annoy you more," prente niyang pagkakasabi at saka tumalikod na sa akin para buksan ang pinto ng sasakyan niya. "But if I'd do that, then you'd be stuck barking at the wrong tree, so this is me doing you a favor." Umupo siya sa driver's seat at pinaandar na ang makina. Sinarado niya ang pinto at ibinaba ang bintana.

Napaisip ako doon sa sinabi niya. Bakit nga ba hindi niya aaminin kung ginawa niya man 'yun? Ang lahat naman ng pamemerwisyo niya sa'kin ay lately ay balandrang-balandra niyang ginagawa. Bakit ito ay hindi niya aaminin?

"Are we good?" Hindi na ako sumagot. "Nice talking to you, Blake." Hinapit niya ang manibela, kumindat sa'kin, at saka pinatakbo ang kotse.

Kung hindi si Leo, edi sino?

I grabbed my phone at saka nag-text kay Clarence.

"I had a bad day. Can we meet?"

Sent.

Agad naman siyang nakapag-reply.

"Sorry, I'm really occupied right now. I'll talk to you later." As usual.

Nagdesisyon na lang akong umuwi muna sa dorm. After all, hindi lang ako pagod sa nangyari, pagod din ako sa subjects ko ngayong araw. Patuloy sa pag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko dahil sa notifications na alam kong galing sa mga kaibigan kong concern sa'kin pero gusto ko munang makahinga.

Saktong pagkalabas ko ng campus ay nakita ko ang isang pamilyar na pulang kotse. Kotse ni Clarence. Nagmadali akong maglakad papunta doon, pero napatigil ako nung biglang may babaeng nakabangga sa'kin, pero ni hindi man lang ako nilingon. Gets kong maraming nagsisilabasang mga estudyante ngayon pero kailangan ba 'kong banggain? Ang kikay at matingkad ang suot niya at nakakulot pa ang buhok.

"Wow, sorry ha kasi nabangga mo 'ko." Nilakasan ko pa ang pagkakasabi nun. Sobrang panget ng araw na ito ngayon para sa'kin kaya maiksi ang pasensya ko.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad kaso napahinto ako nung nakita kong lumabas ng kotse si Clarence sa harap ng gate.

"Clar—" Napahinto ako nung nakita kong dumiretso ang mga mata niyang kumikinang dun sa babaeng nakabangga sa'kin. Napaurong ako na parang ang pakiramdam ko'y takot akong mahuli. Pero bakit? Wala naman akong kasalanan. Pinagbuksan niya ng pinto 'yung babae at sumakay naman ito. Pinanood ko siyang umalis na may kasamang ibang babae.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon