Chapter 49

55 2 0
                                    

Steakhouse

"This can proceed. I checked the specifications already." I huffed and positioned my hard hat habang bitbit ang clipboard.

Mabuti na lang at mabilis kong natapos. Medyo naghahabol pa naman kami ngayon. Mabuti na lang at magagaling sa division of labor ang planners kaya mukhang maaabot naman ang target outcome by the end of this month.

"Salamat, engineer," sagot nung subcontractor sa'kin. "Oh, pwede nang ilabas itong mga kabilya." Bumaling na siya doon sa mga construction worker. Umusog ako at lumayo sa truck upang hindi matamaan.

Sinilayan ko ang palibot ng site at lahat ng mga manggagawa ay may kaniya-kaniyang pinagbi-busy-han. Five months have passed and things have gotten a lot better. Unti-unti nang sumisilay ang kalalabasan ng strip-mall, its theme, amenities, and all. Unti-unti ko na ring naa-achieve ang momentum ko.

Pinagkakatiwalaan na ako ni PM sa ibang mga trabaho maliban lang sa paglilista ng report. Minsan nga ay ina-assign niya rin ako sa design mix together with the other engineers. Mas nakikilala ko na rin ang architects at iba pang kasamahan namin. I'm slowly but surely starting to feel like I'm home.

"Oy, taray. Checker ng mga kabilya. I-hook mo nga ako, Blake," pang-asar nung isang engineer na napadaan dito sa'min at sandaling huminto sa tabi ko.

"Sira ulo, Louise." Natawa ako.

"Sabay ka na sa'min sa lunch," ika nito habang nakikinood din sa paglalabas ng mga kumpol-kumpol ng kabilya. "Sa building 3 na 'yan?"

"Building 5."

"Bakery outlet 'yan, diba?"

"Yup... pupunta kaso akong opisina. Doon na lang ako kakain. May hahabulin pa kasi ako," sagot ko habang tinatakpan ang bandang noo ko ng palad ko dahil parang biglaang mas lalong tumirik ang araw at nakakaabala sa paningin ko.

"Ah, so wala ka dito sa hapon?"

"Yeah, I think magti-take over naman sa Leo. Mag-iinspect din siya."

"Oh, right. Sige, bukas ha."

"Yes, pasabi na lang din sa kanila."

Pagdating ng company ay dumiretso agad ako sa restroom sa ground floor bago pumunta ng pantry. Kanina pa ako ihing-ihi habang nasa taxi. Noong nakaraos ay lumabas ako ng cubicle at may nadatnan akong babaeng naka-black hem dress na long sleeve at may mga butones sa harap nito pababa.

Unang tingin sa repleksyon niya sa salamin ay namangha agad ako sa amo ng mukha niya. Wavy at brown ang buhok niya. Litaw ang ganda kahit na manipis lang ang makeup. Ang buhok niya ay may puting clip, making her look more like a doll with her fair complexion and blushed cheeks.

Napanguso ako noong panay ito pindot doon sa soap dispenser na parang batang naliligaw.

"Um, miss. Excuse me. Sira kasi 'yan, pero 'yung nasa dulo meron diyan."

"Oh! Thank you! Stupid me," humarap siya sa akin at ngumiti. Bahagya pa itong natawa.

"No problem." I guess hindi siya tagadito samin since ngayon ko lang siya nakita.

Pagdating ng pantry ay laking tuwa ko nung nakita ko sila Brad doon sa isang mesa. Hindi pa sila tapos sa kinakain nila. Habang papalapit ay narinig ko ang pag-uusap nila.

"So ang dami ko nang naririnig na ganung may nililigawan nga raw si Leo," ika ni Aubrey.

"Yes, I heard. Plus, I saw them last week sa isang resto. Ang ganda at sophisticated nung girl, in fairness. Bagay sila," sagot ni Tiffany.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon