Chapter 32

79 6 2
                                    

Not Your Friends

"Oh my god. Wag ngayoooon."

"Why? What's wrong?"

"Parang biglang kumulo ang tiyan ko," dinig kong pag-uusap nila as I was moving my eyes sa loob pagkapasok na pagpasok namin ng hallway ng bahay nila Luis.

"Girl, don't tell me na natatae ka? You're not gonna ruin this, are you? May mission tayo kay Klark!"

"Girl, magtiwala ka. Kaya ko to!"

"Blake?"

"Blake, hoy!" Bumaling ako sa kanila. Ano bang ginagawa ko? Tangina naman, Blake.

"Ano yun?"

"May hinahanap ka?" usisa sakin ni Trixie.

"Oh! Don't tell me hinahanap mo si Leo?" Bulong ni Klea sa akin.

"It makes sense. Ilang buwan na rin silang hindi nagkikita. Besides, hindi pa siya nakakalaro." Dugtong naman ni Trixie. "Ang tagal naman ng recovery nun."

"Ha! Joke yan? Ayoko ngang makasalubong yun eh. Tara na nga." I laughed sarcastically at naunang maglakad sa kanilang padabog. Nakakainis kasi. Naiinis ako sa sarili ko.

"Blake, madali mong mahahanap yun. Lilitaw yung ulo nun sa tangkad niya." Nagtawanan pa ang dalawa pero may point sila.

Once nagtipon-tipon na kami ng mga tropa ko ay tumungo kami kay Luis. Hindi pa ko sasama sa kanila kung hindi ko muna nasiguradong wala yung gagong yun sa tabi niya. Buti ay wala. Sana naisipan niyang wag tumuloy.

"Woah! Blake!" Manyak na reaksyon ni Kevin na kasalukuyang katabi ni Luis sa chaisse lounge habang nagyoyosi silang dalawa at may mga kasamang iba't ibang taong hindi pamilyar sakin. Agad na tumayo yung dalawa para kamustahin kami.

Alam ba ng coach nilang nagyoyosi sila?

"You look nice. Who did you dress up for?" Biro ni Luis sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ako makatingin nang diretso nang matagal sa kanilang dalawa ni Kevin.

"Dalaga na ang prinsesa namin." Pinapasadahan pa rin ako ni Kevin mula ulo hanggang paa.

"Ang plastic niyo." I murmured habang ina-adjust ang paa ko sa masikip kong black pumps. I now feel like my cousin Sophia. Hindi pala biro ang maging siya.

"What?"

"Sabi ko thank you sa pag-invite." Sagot ko kay Luis.

"Um, nasan si Klark?" Masiglang pagsingit ni Trixie.

"Ayun..." Hindi pa natapos ang sasabihin ni Luis ay agad na siyang nilagpasan ni Trixie para pumunta doon sa bar counter. Sandali kaming nagkatinginan ni Luis hanggang sa lumipat ang tingin ko kay Kevin na ine-examine pa rin ang katawan ko kaya napabusangot ako. Nakainom na nga to.

"Kevin."

"Oh?" Sa wakas ay tumingin din siya sakin.

"Hindi ka pa tapos?" I should have seen sooner these guys for who they really are.

The party went on to be quite boring, and honestly, chaotic. May nagwala sa party nang wala pang alas-once. Nag-malfunction ang stereo so it was silence for a while. Awkward pala yung ganun. Sa sobrang harutan nung magjowa sa pool, I don't know how pero nahila nila ang hose so nabasa yung mga nandoon sa gilid. Tinulak nung isang babae nabasa yung babaeng humaharot. Overall, yeah, it's a party.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon