Chapter 25

110 10 0
                                    

Not-a-Souvenir

"Fine, Leo." Wala na akong naging choice kung hindi ang isama si Leo sa table namin. Sandaling natahimik ang mga kaibigan ko pagkaupo niya at lahat sila ay nakatutok sa pagmumukha ni Leo. Kulang na lang ay tumulo na ang laway nila. Hindi ba dapat ay mainis sila sa idiot na 'to?

"Guys, um... si Leo." I don't know what I'm saying. Para namang first day ni Leo as a transferee.

Hindi nagtagal ay muling umingay dito sa table namin. The idiot even had the audacity na ikwento sa mga kaibigan ko 'yung araw na nadapa ako sa harap niya at nakita ang mga nakasulat sa notebook ko. Nagsitawanan ang mga kaibigan ko habang ako ay sinasamaan siya ng tingin.

"Very funny. Those two saw me do worse, Leo, but nice try." Nakangiti siyang tumingin sa akin. He's so damn handsome kahit na may ilang hibla ng buhok niyang nagtatakip sa noo niya dahil sa mukhang minadali niya lang ayusin ang buhok niya kanina. I think anything compliments him. Masyado siyang paborito ni Lord.

"Oh yeah?" Tumango ako na ginantihan siya ng kampanteng ngiti. "Tell me about it?" Bumaling siya sa kanila Alyssa at Klea dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Wrong move.

"Tumitili 'yan dati tuwing nalalagpasan mo siya," agad na kwento ni Alyssa. "Kulang na lang iwagayway niyan sa'yo dati ang panty niya tuwing nagkakasalubong kayo eh." Dumadagundong ang tawanan ng mga hayop na 'to habang nagigisa ako.

I don't know why ngayon pa nila naisipang i-bring up ang mga 'to, kahit na ilang beses naman nang sumama si Leo sa'min. Probably to lighten up the mood because of what happened? Well, ako hindi masaya!

"Alyssa!" Nararamdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko sa kahihiyan. Kaibigan ko ba talaga ang mga 'to?!

Kinalabit ako ni Leo at nginitian ako nang makahulugan. I remember, nakita niya nga pala ang underwear ko nung ninakaw niya ang bag ko. Napakabastos! Malapit ko nang makalimutan 'yun eh pero ito na naman ngayon.

"May entry din ako!"

"Klea, I'm warning you." Sinamaan ko siya ng tingin pero mukhang mas lalo pa siyang ginanahang magkwento. What did Leo do? He shushed me!

"Go na!"

"Sa'min ka pa ba mahihiya, Blake?" singit nila Zoey at Trixie. Right, nung baliw ako kay Leo hindi pa namin kabarkada 'tong mga 'to.

"Expose this bitch!"

"Maka-bitch ka, Trixie?!"

Hindi na kailangan ng pulutan dito. Mga kwento pa lang ng mga sira ulong to busog na busog na kami.

"You know what she said last year, Leo?" Nag-sip si Klea sa inumin niya bago nakapagpatuloy. "Payag siya sa isang dosenang anak kung ikaw ang ama!" Mas lalong lumakas ang tawanan nila.

HOLY SHIIIT! Sobrang wasted ako that time! Ni hindi na nga ako makalakad nang maayos nun! Tinalikuran ko na ang version ng sarili kong 'yun! Nag-mature na 'ko! Hindi na ako 'yun, okay?!

"Naaalala ko 'yan! 'Yan 'yung first time naming nanood ng game nila!" sinegundahan ni Alyssa. "Sumigaw pa siyang Leo anakan mo 'ko after ng 3-point shot mo." Halos mabilaukan na sila kakatawa. Ako lang ang hindi natutuwa dito.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon