Chapter 59

80 1 0
                                    

It's Just Allergy

"Hindi pa rin uuwi? Ilang buwan na ba yun doon?"

"Nawili ata sa mga chix sa New York."

"Ano ba talaga kayong dalawa?"

"LDR?"

"MU? Magulong-usapan?" Napakamot na lamang ako ng batok ko habang tumitingin sa mga pagkaing nakalista dito sa menu. Nagkasama-sama na naman kami sa kainan ng mga kaibigan ko kaya as usual ay napakagulo.

"Malanding ugnayan?" Napailing-iling ako habang nakangiti at pinipili pa ring hindi na lang sumagot.

"How does it work? Phone sex? Masaya ba? Nakahiga ka, tapos—"

"What the fuck?!" Napapalo ako ng menu sa ulo ng gagong si Joshua. Kinamot lang nito ang ulo niya.

"Tumigil nga kayo, boys! Kami lang ang iintriga mamaya kay Blake kapag wala na kayo," singit ni Zoey.

"Walang mamaya-mamaya, ngayon na!" Hinawakan ako ni Alyssa sa braso at saka pinandilatan ng mga mata. "Ano na ang status niyong mga punyeta kayo?!"

"Aba'y hindi ko alam!" Nilakasan ko rin ang boses ko.

"Hindi pwedeng hindi mo alam! Kasi kung hindi pa rin kayo irereto na kita dun sa pinsan ko para may escort ka sa wedding."

"Wag mo nang i-pressure si Blake. Ang importante opisyal ka nang sakin sa kasal at gagawa na tayo ng baby." Inakbayan siya ni Matt at saka kinindatan.

"Tangina, anong konek nun? Bobo," hirit ni Joshua na hanggang ngayon ay galanteng tito pa rin ng mga pamangkin niya.

Next month na kasi yung kasal nila Matt. Hindi ko alam kung bakit biglaan na lang itong kasalan agad eh kailan pa lang naman nag-propose si Matt sa kaniya. Sana all, pota.

"Oo nga. Girl, magpadilig ka naman. Si Alyssa gabi-gabi nang dinidiligan yan oh. Talagang binahay na nga." Nagtawanan kaming lahat dito sa table dahil sa hirit ng loka-lokang si Klea. Dagdag pang hinampas ni Matt ng dalawang beses ang kamao niya sa hangin na proud pa.

"Nagsalita yung sa kung saan-saang hotel jinugjug," malakas na hirit ni Trixie na parang eskandalosa kahit na may ibang mga tao pa dito sa resto.

Hindi ko kilala itong mga to.

Yung gagang si Klea talagang nag-hair flip pa.

"So harap-harapan na lang nating iinggitin si Blake, ganun?"

"Bakit ba ako ang trip niyo ngayong araw? Tangina niyo."

That dinner didn't last very long since lahat kami ay may mga pasok pa sa trabaho kinabukasan. Nagkita-kita lang talaga dahil birthday ni Trixie nung Tuesday at Sunday lang kami nagkaoras. Habang pauwi sakay ng taxi ay tumunog yung phone ko at yung therapist ito nila mama.

Nagbalita lang naman sakin sa mga nagiging progress. We decided to arrange it before I left Albay that January. I only went during the first session. Malamang matapos nun ay silang dalawa na lang.

"We're starting to detangle the tangled issues, pinpoint the problems, and to find the roots."

"Thank God for that."

"But then again, we can't be certain what's gonna come out of this. Just like what I said, we'll just help them make the best decision, whatever that may be."

I understand that the sessions are not to force them two to get back together, but to help them organize their thoughts and figure out what they really want. Of course, susubukang ayusin yung pwede pang maayos, pero kailangan din isaalang-alang ang mga bagay na hindi na mababago pa. Kahit na ano pa ang magiging resulta, I'm glad that they decided to deal with the issue once and for all.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon