Scandal
Ilang araw ding naging tahimik ang buhay ko. Sana ay magtuluy-tuloy na. Ang bilis lang talaga ng araw sa ganitong course, or siguro sa lahat ng colleges ganito talaga. Sa araw-araw kasi ay hinahabol mong maka-survive ka sa assignments, seatworks, quizzes, exams, kaya parang lumilipad lang ang mga araw. Halos hindi ko namalayan na Thursday na pala. This is gonna be a long weekend since bukas ay wala kaming pasok dahil sa holiday.
"Yung tripod guys pakiayos na." Ang babagal pang maglakad ng groupmates ko dito sa field. Bitbit ko ang transit na nasa sisidlan pa nito at pati na rin ang steel tape. Rotation ang roles namin sa survey namin, at sa ngayon ay napunta sa akin ang chief of party na trabaho.
"Kompleto na ba ang equipments natin? Nasaan na si Charles?" tanong ni Trixie, classmate ko 'yan. Nakakausap pero hindi kaming gaanong close kasi magkaiba kami ng circle of friends.
Hindi kami magkakasama nila Klea dito kasi prof namin ang nag-group. Bawal daw ang magbabarkada para raw walang buhatan, at pati na rin daw matuto kaming mag-teamwork kahit na sino pa ang mga kasama namin. Naniniwala naman akong essential 'yun sa magiging trabaho namin.
"Oo nga, na sa kaniya ang rod. Magsimula na agad tayo. Sunog na sunog na agad tayo dito," reklamo ko. Ang Pilipinas ay isang malaking oven.
"Ewan ko sa mga gagong 'yun," sagot ni Eric habang bitbit ang chaining pins na tatlong piraso.
"Wow, hiyang-hiya si Blake sa'yo, Eric ha. Napakabigat niyang bitbit mo kompara sa transit," pagbibiro ni Zoey habang hawak na ang notebook niya para maglista ng measurements mamaya.
Oo nga, mabigat talaga 'tong transit, kaso ang bagal ng mga kasamahan ko. Nag-uunahan na kanina sa engineering laboratory na kumuha ng transit at itong number 5 ang naaalala kong pinakabago at pinakamadaling i-level.
"Inunahan ako eh." Napakamot ng ulo si Eric.
"Ang bagal niyo kasi." Magkasabay kaming sinusulong ang init. Wala akong ibang takip para sa init kung hindi ang mismong suot ko, ang baseball cap kong itim, at ang jacket ko para hindi gaanong masunog ang braso ko.
"Mabuti pa si miss oh, nakapayong," bulong ko sa kanila ni Zoey. Prenteng nakatayo lang ang prof namin sa medyo malayo kung saan may silong habang binabantayan kami. Four groups kami dito, at each group ay may five members.
"Oo nga, tapos tayo, bawal?" ika ni Trixie.
"Dapat daw ay masanay na tayo kasi sa field daw 'pag nagtrabaho tayo makakaistorbo ang payong," ika ni Zoey na napairap pa pagkatapos. "Pero ikaw Blake, okay lang 'yan kasi maputi ka naman."
"Baka maputla?" sagot ko at saka natawa.
Napatingin ako sa gitna ng field at bumalik sa isip ko ang nangyari nung Lunes. Gulong-gulo ako sa nangyari pero walang naibigay na sagot si Clarence sa'kin. Ang sabi niya ay may duty pa siya kaya kailangang-kailangan niya nang umalis. Ang dami ko pang kailangang isipin sa pag-aaral ko kaya pinipili ko na lang na huwag ilugmok ang sarili ko sa kung ano mang bagay na hindi ko pa alam.
Pagkatapos naming magchismisan ay dumating na rin si Charles kaya sinimulan agad namin ang laboratory work. Kami ang unang grupo na natapos. May thirty minutes pa bago ang dismissal ay nakompleto na ang data at measurements na kailangan namin.
"Patulong namang mag-compute, Blake," panunuyo ni Charles na ang role ay ang mag-compute ng data.
"Ang duga oh. Kaya mo na 'yan," pang-aasar ni Eric sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...