Reminiscing
Pagkatapos ng NSTP ay nasa gate ng gym silang apat na nakaabang sa akin. Pinlano ko sanang tumakas para hindi na nila ako ma-interrogate. Magkakaiba kasi kami ng cluster kaya umasa akong suswertehin akong hindi nila 'ko mahuli pagkalabas ko. Sa dami ba naman ng mga estudyanteng sabay-sabay na lumalabas ng gym.
"Well, well, well." Tinaasan ako ng kilay ni Alyssa. Napabuntong-hininga ako. Para akong may krimeng ginawa.
"Marami ka pang ikukwento sa'kin, girl!" Kabaliktaran ng mukha ni Alyssa ang mukha ni Klea ngayon. Ngiting-ngiti siyang nakasabit sa braso ko. Agad kaming nagsimulang maglakad palabas.
"Nagdadalaga na nga talaga ang baby girl natin."
"Ilang beses ko bang sasabihin Matt na baby girl lang siya naman ni Klea?!"
"Bakit galit ka, Alyssa? Nagseselos ka ba? Gusto mo bang ikaw na lang ang baby girl ko, ha? Yieee!" pang-aasar ni Matt sa kaniya na inakbayan pa siya at kiniliti sa tagiliran. Napansin ko ang pagpula ng pisngi ni Alyssa. Akala ko ba si sir Reyes ang gusto niya?
Malanding 'to.
"Pahiram ko mamaya sa inyo ang guest room. 'Di naman uuwi sila mama ngayong gabi." Kumindat sa kanila ang loko-lokong si Joshua. "Aray! Ito naman, hindi mabiro." 'Yun tuloy ay nasipa siya ni Alyssa.
"Hayaan mo sila, Blake. Basta ako, kwentuhan mo 'ko ha." Excited talaga 'tong si Klea.
"Wala akong maikukwento sa'yo, gaga," sagot ko habang nagtitingin ng messages sa messenger ko.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nade-delete ang convo namin ni Clarence, pero required ba 'yun? Kailangan ko bang gawin 'yun? What if kailangan ko 'to as a reminder the next time na wag na 'kong maging tanga? Ni wala nga siyang ni isang message sa'kin na nagso-sorry siya. Ayos na ang buhay niya kasi alam ko na, at malaya na siya?
Pakyu siya kung ganun.
Napadalaw ako saglit sa Facebook ko at napatingin sa friend requests. Scroll down lang ako nang scroll down kasi ang dami ng hindi ko kakilala, hanggang sa nakita ko ang pangalang Kevin Perez. Sabi nga pala nito ay ia-add niya ako kasi isi-send niya sa'kin ang mga kuha ko sa camera niya. Close na pala kami nito?
I pressed accept. Whatever.
"Eh paano naman napunta sa'yo ang jacket niya aber?" Hay, napakakulit. Kasalanan 'to ni Leo eh. Dapat kasi ay nagpakita siya kanina sa'kin sa gym. Ginusto ko siyang i-text pero baka isipin niyang feeling close ako. Bakit kasi hindi siya ang naunang mag-text? Hindi niya ba napansing hindi ko naibalik sa kaniya ang jacket niya?
"Ang kulit naman, Klea."
"Did you two," huminto siya at saka ngumiting maloko sa akin, "you know?" at saka sinundan niya ito ng hagikhik.
"What?!" Naitulak ko tuloy si Klea habang nanlalaki ang mga mata ko. Bakit ba ganyan ang iniisip niya?! Kadiri naman ang iniisip niya! Ni hindi nga kami bati nung tao!
"Akala ko lang naman!" Binilisan ko ang paglalakad ko para mauna sa kanila pero naabutan niya pa rin ako at saka sumabit na parang tuko sa braso ko.
Maya-maya lang ay nakarating kami sa The East Bar. Tambayan namin 'to kaya hindi nila kami mapapalayas dito kahit may scandal ako dito. Kaming tatlo lang nila Klea at Alyssa ang nandito ngayon sa table. 'Yung dalawa? Nandun at lumipat sa isang table na maraming babae. May kaakbayan na agad si Joshua. Si Matt naman ay tamang pa-good boy muna na nakaupo lang nang maayos sa isang sulok. Lalabas din mamaya ang tunay na kulay niyang hayop na 'yan 'pag may tama na.
Kanina ko pa silang dalawang inaaliw sa mga kwentong kung anu-ano, pero bigla ring bumalik sa topic. Akala ko, kapag nalasing na sila ay wala na 'kong utang na explanations sa kanila. Wala pala akong takas.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...