The Confession
"Binreak-an ba 'yun ng boyfriend?"
"I know right. Pabaya much?"
Napahigpit ang hawak ko sa basket na hawak ko habang naglalakad nang mabilis para makakuha na ng mga kakailanganin ko at nang makaalis na ako dito sa grocery store na 'to. Pagkakuha ko ng napkin, conditioner, at deodorant, since 'yun palang naman ang kailangan ko sa dorm ay hindi ko na natiis pa.
Ano ba ang hitsura ko ngayon?! Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at binuksan ang camera. Maging ako ay kinilabutan sa pagmumukha ko. Sobrang gulo ng buhok ko dahil sa pagulong-gulo ko kanina sa kama. Ang putla ko at kita ang dark circles ko fresh from midterm exams. Ang t-shirt ko ay may konting punit-punit pa sa kwelyo dahil luma na ito at tamad na 'kong maghanap pa kanina. Worst of all, meron akong konting durog-durog ng chichiryang kinain ko kanina sa gilid ng labi ko.
Blame it on my period.
"Hmm?" Biglang sumulpot sa notifications ko ang message sa messenger galing kay Gareth. Binuksan ko ito at agad na nag-reply.
Gareth: Hey, Blake. Do you have plans for today?
Blake: Magcompile lang siguro ako ng previous quizzes and exams. Bakit?
Gareth: I was thinking maybe you could help me out.
After nung incident na between Gareth ans Leo ay kahit papano naging civil naman na ulit 'yung dalawa. Kung sa bagay, hindi naman kasi sila ganun ka-close eh kaya parang back to normal lang. Me and Gareth, pa-comment-comment, react-react sa stories sa IG. Ganun lang.
Blake: Sure, saan?
Gareth: Gift for a girl
Blake: Girlfriend mo? Yieee! Binata na si Garfield
Gareth: I don't.
Blake: I don't ano?
Nagtungo akong counter at ipinatong ang basket. Habang pina-punch ang items na pinamili ko ay muli akong bumaling sa phone ko.
Gareth: I don't have one.
Gareth: It's for the lunatic. Her brother would kill me if I didn't get her any.
Oh yeah, Kali.
So open for business pa pala si Gareth Jaxon. Nagta-type na sana ako nung biglang lumitaw sa screen ang tawag niya. Pagkasagot ko ay saktong tapos na ang items ko. Iniabot ko ang debit card ko sa cashier at in-enter ang pin. I was too lazy to bring a cash, okay? Wala akong dalang bag o wallet. Sapat na ang bulsa. Don't judge me.
"Um, may idea ka na ba?"
"Actually..." There was a pause and nakarinig ako ng buntong-hininga sa kabilang linya.
"Thank you," sabi ko sa cashier at saka kinuha ang mga pinamili ko at card. "Ano 'yun?" tanong ko kay Gareth.
"Can you go with me to the mall?" Never pa pala akong nakalabas kasama si Gareth noh? "It's fine if you can't. I can just buy her a gift card."
"A gift card?!" singhal ko habang naglalakad paalis. Hindi pwedeng gift card lang ang matatanggap ng Kali na 'yun kahit na ano siya, well... different? "Gareth Jaxon Gallego?!"
"I could buy a gift card from a bookstore so she could finally sit, read books, and stop terrorizing me." Natawa ako na parang tanga sa sinabi niya kaya nagulat 'yung taong naglalakad sa harap ko at sandali pa akong nilingon. I just gracefully walked pass her. Kunwari ay nakaligo na kung maka-hair-flip.
"Samahan na kita." Total mukhang kailangan ko ng bagong environment. Ang tagal ko na ring hindi nakakapaglibot nang mabuti sa mall. Kung hindi campus ang punta ko, dorm, milktea shop, kung saan-saang kainan kasama si Leo, at kung saang may alak.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...