Chapter 22

95 10 2
                                    

Ecstasy

"He's my brother." What? May kapatid si Leo? At talagang itong si Lance pa ang kapatid niya? Literal na laglag panga ako ngayon. This university is indeed small.

"Hey, idiot. Come here." Siniko ko si Leo. Maka-idiot naman kasi.

"What?" Nakabusangot na lumipat ang tingin ni Lance mula sa phone niya at sa kuya niya hanggang sa nahagip ako ng mata niya. "Ate!" Para bang biglang nagbago ang ihip ng hangin at lumitaw ang ngiti sa mga labi niyang tumatakbo papunta sa akin.

"Lance!" Agad niya akong niyakap kaya at napayakap din ako sa kaniya. Hindi ko pa alam kung anong ire-respond dahil din siguro sa pagod at naghalong gulat.

"She's the one that I told you about, kuya!"

"The one who bought you the chocolate cake?" Maging si Leo ay may reaksyon na kaparehas ng sa'kin.

"Yes! Yes! We should bring her home!"

Bring me what?

"What?" sabay pa kami ni Leo at saka nagkatinginan. Napangiwi si Leo na parang nahihiya dahil sa kapatid niya.

"You promised kuya, that if I ever find her again invite natin siya for a sleepover!"

Invite me for a what?

"When did I do that?" panghahamon sa kaniya ni Leo. Nakakatuwa namang panoorin 'tong magkapatid.

"That one morning when I was about to go to school and I woke you up and made you promise." Nakabusangot na siya ngayon na para bang iiyak na dahil sa hindi napagbibigyan. "You promised, kuya!"

"I promised para makabalik na 'ko ng tulog. And I remember, I was wasted the night before." Napakamot ng ulo si Leo at bumaling sa akin. "I didn't know that you were that mystery woman."

"Ate?" Tumingin siya sa akin with his teary-eyes and pouty lips. Sobrang magkamukha talaga sila ni Leo, jusko. His features are a bit gentler compared to Leo's though. Dahil na rin sa bata pa siya.

"Can you please get that iPad off of my face?" matigas na pagkakasabi ni Leo na nakakunot noo habang nagda-drive kaya pasimple akong nakangiti. "I'm driving, Lance." Pero nararamdaman ko ang pagsubok niyang habaan ang pasensya niya. Ang cute.

Nang dahil sa pagpapakonsensya at pangungulit sa akin ni Lance ay nandito ako ngayong kasama nila pauwi. Gaano ako kakaladkarin? Minadali ko na lang kaninang iniwan ang mga labahin ko at ibinilin sa kakilala ko dun na bukas ng gabi ko na lang kukunin. Buti na lang nalabhan ko na 'yung kay Gareth.

"But I'm not showing it to you. I'm showing it to ate." Mas lalo niya pang nilapit ang iPad sa akin habang nasa likuran siya namin at sumisingit sa gitna, kaya medyo nasisiko niya ang kawawa niyang kuya.

"Still, can you just sit properly? Please. Show it to her later." Nagpipigil na ako ng tawa sa asar na mukha ni Leo. "Mamaya bigla akong pumreno dito eh."

"Look, ate! It's The Legend of Korra! Have you watched it?"

"Um... tingin nga." May pinakita siya sa'king maiksing scene ng anime.

"Have you?"

"Hindi pa eh."

"Do you want to watch it later then?" agad niyang sagot na malapad ang ngiti. 

"Jeez, Lance. Calm down. She's not going anywhere." Napamasahe si Leo sa noo niya. Sa tingin ko ay sumasakit na ang ulo nito sa pagiging madaldal ng kapatid niya. Natawa na ako ng tuluyan sa reaksyon ni Leo kaya't sandali ko siyang hinawakan sa bisig niya.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon