Moment of Truth
"Leo, akala ko hindi ka pupunta."
He's late. It's not my birthday anymore.
"Biglaan akong binigyan ng trabaho dun sa isang license. I had to work late. I tried..."
Napansin ko ang bahagyang pagpula ng mga mata niya. Parang na-glue nang sandali ang tingin niya sa butones na kanina ay hindi nakakabit at kakaayos ko lang.
"Oh, you didn't have to come here kung alanganin."
"I wanted to," he answered na ngayon ay nakatingin na nang diretso sa'kin.
"Dapat nagpahinga ka na lang." Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Anong ginagawa niya dito sa ganitong oras ng gabi? Sam won't be happy about this.
"Gusto kitang makita," madiin niyang sambit.
"Magkikita naman tayo bukas eh," I chuckled. "Bakit? May ipapagawa ka b—" Napahinto ako sa biglaan niyang pagyakap sa'kin nang mahigpit.
"Leo..." I tried pushing him but he resisted. "Stop!" Napaurong ito sa malakas kong pagtulak.
"Sa kaniya mo lang ba gustong magpayakap?"
"What the hell, Leo?"
"Come on, Blake! Nakakapagod."
"Bakit ba?!"
Mabuti na lang at wala nang dumadaang mga tao sa daan dahil sa hula ko ay lagpas alas dos na.
"Why are you doing this? Bakit tinutulak mo ako pero 'yung gagong 'yun ay malaya kang nakakasama?"
I couldn't answer him without breaking down in tears. I'm too wasted and emotional right now.
"Is this how you felt? When you told me na naiinggit ka sa mga taong hinayaan kong damayan ako? Bakit hinahayaan mo siyang damayan ka habang ako... parang ayaw mong papasukin sa mundo mo?"
"For starters, may girlfriend ka na! Ano ba? Go home." Tatalikod na sana ako pero biglaan niya akong hinawakan sa braso.
"I tried dating because you wanted me to, Blake."
"This is very unfair to Sam, Leo. Go home, please."
"Mahal mo na ba ang gagong 'yun?"
"Leo! Don't do this to your girlfriend!"
"Sam knows that I'm in love with you still, Blake. I confessed it to her noong bago pa lang kami. Somehow, she still agreed for me and her to just see what's going to happen."
"What?" Anong klaseng agreement 'yan? But shit, seriously. Ang bait nung tao sakin since day one, and she knows that I'm her boyfriend's ex all this time?
"Tutulungan niya raw ako, pero parang parehas lang naming niloloko ang mga sarili namin."
"Still, Leo—"
"Ngayon ay sabihin mong may iba ka nang mahal and I'll leave you alone."
"Tama na!"
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...