Chapter 34

71 6 0
                                    

Babysitter

I arrived at the club na wala nang iba pang tao. May naglilinis lang sa counter bar at sa mesa. May nakita akong nag-aarrange ng mga baso sa counter. Like for goodness sake, it's 2 PM. Sino bang naglalasing nang ganitong oras?

"Hey!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. There he is na nakaputing t-shirt na may konting stain ng mga alak. May nakasabit na maliit na towel sa balikat.

"Oh, Damien." Nagkanginitian kami.

"Nice, she remembers me." Lumapit siya sa'kin at napatingin sa suot kong parang nagtataka. Mukha ba naman akong naligaw dito sa club dahil sa suot kong formal attire. Inunahan ko na siya.

"Nagsubmit ako ng resume eh."

"Work?"

"No, OJT. Last naman na 'yung kanina."

"Akala ko pa naman. Pwede ka naman dito," biro niya.

"May part-time na 'ko eh, by the way, nandito pa sila?" Hindi ko na pinapahaba pa ang usapan dahil pauuwiin ko na 'tong mga 'to. Total ginulo na naman nila ang nananahimik kong mundo edi ka-career-in ko na.

"Kevin? Yeah, yeah. Andun sa bar. Come on. I'll take you there."

"Inabala pa kita." Nandito kami sa lounge kaya ihahatid niya ako papunta sa bar side ng club.

"Abalahin mo ko lagi dito, I don't mind," biro niya. Sira ulo talaga 'to. He's Kevin's cousin indeed. It runs in the Perez blood. Napadaan kami sa comfort room at saktong may lumabas doon.

It's freaking Leo. Dumiretso agad ang tingin niya sakin at kinagat ang labi niya, na para bang may sasabihin siya pero hindi niya magawa. Parang pinupunit pa rin ang puso ko kapag nakikita ko ang mukha niya.

"Leo, uuwi na kayo," malamig kong pagkakasabi. Tumango lang siya. Nararamdaman ko sa bawat yapak ko ang pagsunod niya sa likuran. Nangangamoy alak siya. Hula ko ay umeekis-ekis pa ang lakad niya. Kung may character development man si Leo, it surely isn't progressive, regressive 'yun. Parang mas lalo pa siyang naging pabaya.

Pagdating namin ng bar ay bumungad sakin ang tatlong nakasampay na sa couch sa corner. May mga kasama silang dalawang babaeng hapit na hapit ang suot, at gulong-gulo ang buhok. Nanliit ang mga mata nilang nakatingin sa'kin. Kabaliktaran naman ang reaksyon nila Luis.

"Blake! You're here." Ang lapad ng ngisi ni Kevin at nag-angat ng kamay. Agad kong na-spot ang yosi sa mga daliri niya. Uminit 'yung ulo ko.

"Blakelyyyy, did you bring food?"

"Tangina, Luis. GrabFood ba ako?" Si Klark naman ay ngumingisi-ngisi lang sa gilid na parang tanga. Ano bang nangyayari sa mga to?

"W—what are you doing?" Gulat na reaksyon ni Kevin nung biglaan kong hinablot mula sa kanya ang yosi at inilagay yun sa smoke tray.

"Umuwi na kayo. 48 hours. For goodness sake." Napapakamot ako sa ulo ko habang hawak sa kabilang kamay ang portfolio. Naaninag ko sa peripheral view ko ang pag-upo ni Leo sa couch.

"Sorry, Blake." I hate how Klark can seem to be still in control of himself kahit na wasted na rin siya.

"Shit, bro. Punta pala kaming probinsya ngayong umaga. Naiwan na 'ko."

"Manghingi ka na lang ng pasalubong," dinig kong usap-usapan nina Kevin at Luis na nagawa pang magtawanan.

"Especially you, Leo." Itinuro ko siya. "You're supposed to get your shit together by now," dugtong ko na halos pabulong na lang dahil pinipigilan ko rin ang sarili ko.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon