Chapter 27

101 6 0
                                    

Respect

"May I take your order?" dinig kong boses sa speaker sa drive thru. Sabi kasi ni Leo mag-drive thru na lang daw kami since it's pass 1:30 AM at kailangan niya na akong mahatid. Kanina pa 'kong ginugulo ng tiyan ko.

Oo na mga anak kong bulate. Kakain na si mama.

Alam ko na agad ang i-order ko kanina pa! McNuggets, fries, and McFlurry! Napahawak ako sa tiyan ko dahil parang mas lalo pa itong sumakit. Binuka ko ang bibig ko para sabihin kay Leo ang gusto ko, pero napatigil ako dahil sa nagsalita na agad siya.

"Le—"

"Uh, yeah, I'll have..." Wait, bakit hindi niya 'ko tinatanong kung anong gusto ko? Ano 'to? Hindi niya 'ko o-order-an? KKB ba kami dito? Napabusangot ako at napahalukipkip. "Twenty-piece McNuggets, BFF Fries, two medium Coke, and one Oreo McFlurry."

"Woah." Kabisado niya na ang order ko?

"Is that all, babe?" Nilingon niya ako at napatango lang ako sa pagkamangha habang nakaawang pa ang bibig ko. He didn't even have to ask me. Tuwing nakakapag-McDo kasi kami ang lagi kong order ay nuggets, fries, Coke, and Oreo McFlurry. Sikreto akong napangiti habang ipinapatakbo niya ang kotse papunta sa kasunod na counter.

"Wait, bakit nga pala hindi ka um-order ng sa'yo? Aren't you hungry?" biro ko sa kaniya nung naghihintay na lang kami para sa order namin.

"What? Are you gonna eat all that?" Natawa lang ako sa mukha niya. "Are you pregnant? Wala pa naman tayong ginagawa ah?" Ano raw? Suntukin ko kaya 'to sa ngala-ngala?

"Pasmado 'yang bibig mo ah."

"Your face." Sira ulong 'to. Napahalakhak siya sa nagulantang kong pagmumukha.

"Sir, here's your order po." Lumingon siya sa counter pero sumingit pa akong guluhin ang buhok niyang hindi pa rin natutuyo. Bahagya siyang napangisi na parang bata.

"Gago ka talaga!" Kahit nakatagilid siya sa'kin habang chine-check ang laman ng plastic ay nakikita ko ang ngiti niya, and it's not forced this time. It's genuine. Nakakataba ng puso na nadamayan ko si Leo and he doesn't feel alone.

"Oh my god. Ikaw po si Leo Yap? 'Yung nakikita ko sa TV," tanong nung McDo crew. Tuwang-tuwa 'yung babaeng titig na titig sa mukha ni Leo. Si Leo naman ay napakamot lang ng ulo.

"Yes, yes." Kinuha ko mula sa kaniya ang fries at sinimulan na itong lantakan. Bahala siya diyan. Sanay na 'yan sa ganyan. Nawi-witness ko ang encounters niyang ganyan sa tuwing magkasama kami. Napangiti pa ako habang napailing while thinking of how much attention annoys him sometimes.

"Pwede pong pa-picture?"

"Yeah, sure." Kinalabit ko si Leo at pinakita sa kaniya ang fries na nakasabit sa bibig ko. Bago ko ito nguyain ay nagbelat ako sa kaniya. He bit his lower lip and shook his head nang hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi.

Ang sarap talaga ng fries kapag mainit pa. I can feel my stomach rejoicing. Bakit kasi nakalimutan kong hindi ako nakapaghapunan?

"Wawa."

"Wawa pala ha. Can my girl be in the picture?" Inakbayan niya ako at isiniksik sa kaniya para maiharap doon sa counter.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon