Chapter 13

115 12 1
                                    

Pain in The Ass

That night ay windang na windang akong ipinapahinga ang likod ko sa upuan habang nakatitig lang sa mga aklat at notebook na nakabuklat sa study desk ko. Nakikipagtitigan din sila sa akin na para bang naghihintay na sila ng pansin. Isinandal ko ang ulo ko sa dalawang kamay kong nagtagpo sa likod ko at saka tumunganga sa kisame.

"We should do this again next time."

Why would Leo say that?

Nakakatawa lang. Kanina lang ay sobrang galit na galit ako kay Clarence, ngayon ay si Leo naman ang pinoproblema ko na para bang hindi lang ako naging hysterical kanina dahil sa nakita ko sa Facebook. Special power ba to ni Leo?

"You're overthinking this, Blakely Rose," pangangaral ko sa sarili ko kaya't agad din akong bumalik sa reyalidad at umupo nang maayos. Sandali kong ikinusot ang mga mata ko at saka binuksan na ang notebook ko upang i-review ang natutunan ko kanina sa Differential Equation at saka na nag-solve ng problems.

Pero hindi ko pa natapos ang isang pahina ay may tumatawag na sa phone ko. Napailing ako at inabot ito dahil sa napagdesisyunan kong patayin muna ito nang hindi ako nadi-distract. Sa tingin ko ay ang mga kaibigan ko lang naman 'to. Bukas na lang ako magpapaliwanag sa kanila kung bakit hindi ako sumipot. Magkukunwari pa ang mga iyan na iinom para sa'kin. Kahit naman anong opportunity ay iga-grab nila bilang rason para magwalwal. I wasn't born yesterday.

Ngunit nanigas ang kamay ko nung nakita ko ang pangalan ng kung sino ang tumatawag. It's fucking Clarence. Now, it's all coming back to me, how I trashed his car. Kahit man ay ipaayos niya iyon it's gonna cost a fortune. Besides, his BMW is never gonna be a virgin again. Namamanhid ang labi ko at pakiramdam ko ay nawalan na ng dugo ang buong mukha ko.

Hindi ko na naisip ang magiging consequence ng ginawa ko. Sobrang saya at satisfied ko kanina, pero ngayon? Hindi ko alam ang mangyayari. He probably doesn't think that it was me, right? Oh, who am I kidding? Of course, he does. Tingin ko ay kailangan ko pa rin itong sagutin. Kapag nagalit siya ay sasagutin ko siya that that was the least that I could do for him keeping me on the leash for a whole freaking year. I'm tired of playing this martyr character.

Sinagot ko ang tawag at hinintay ang nangangalaiting boses ni Clarence ngunit hindi iyon ang nangyari.

"Blake." Mahinahon lamang ang boses niya kaya't napakunot ang noo ko. I was ready to match his anger and all. Wait, does he not know? Maling kotse ba ang kanina? What?

"Clarence?" malamig kong sagot.

"Can you go outside?" Natahimik ako sa sinabi niyang 'yun. "I'm here, waiting. This won't take long."

Ano ang ginagawa niya dito? Tumayo ako para dumungaw sa bintana at nandun nga siyang nakatulala sa kawalan at nakasandal sa kotse ng kuya niya na sa tingin ko ay hiniram niya. Yup, I got the right car. Yup, he knows what I did.

"Okay," matipid kong sagot at saka pinatay ang call para makapagmartsa na palabas ng kwarto ko at pababa ng dorm. Let's get this over with.

Heck. Can't this person just let me move on?

Pagkatawid ko ng daan upang mapuntahan si Clarence ay tumingin siya sa direksyon ko na naka-puting uniform pa ng para sa duty nila. Hula ko ay babalik pa siya sa duty niya. Kita ko ang namimilog na itim sa mga mata niya. Mukhang sobrang hectic niya na naman sa course niya. Nakakabwisit kung gaano ko siya kakabisado.

"Blake, my dad's gonna be so furious," agad niyang sambit pero hindi ito pagbabanta. Talagang mahinahon lang ang boses niya. Nagagalit ba ang isang Clarence Gonzales? Tumikhim ako para ihanda ang mataray kong sagot.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon