The East Bar Incident
Her POV
"Time's up!"
Napahampas ako ng kamao ko sa table at minadaling kopyahin ang final answers ko sa exam papers.
"Finished or not finished! Submit your exam papers and answer sheets," sabay palo ng professor namin sa table.
Juice na Tang! Ano ba 'tong pinasok ko?
"I'll count to 10. All papers that won't be here will not be accepted. 1, 2, 3, ..."
Napapamura na ang mga classmate ko, samantalang ako ay nanginginig ang kamay sa pagmamadali at naaawa na lang ako sa kung sino man ang magche-check nito. Sa awa ni papa G ay nai-submit ko na bago pa umabot ng 10. Ang bilis tumakbo ng dalawang oras kahit gaano pa namin kabilis pindutin ang calculator at kahit gaano kami kabilis magsulat ng free body diagram at equations ay sobrang kulang pa rin.
Paglabas ng professor namin ay may iba't-ibang expressions sa bawat mukha namin. May ibang nakangiti kasi maraming naisagot. May nakangiti rin kasi kahit alam na babagsak at least 'yun na 'yung last exam namin for prelim. May ibang nangingilid na ang luha sa mga mata. Anong sa'kin? Ito, bangag na bangag. Pakiramdam ko ay nakalutang na ang katawan ko sa pagod. Maliban sa nabugbog ang utak ko sa exams ngayong araw ay puyat rin ako kagabi kakaaral.
Welcome to engineering.
"Sige na! Tara na! Wag na kayong KJ." Nagtipon-tipon kami ng mga kaibigan ko sa labas ng classroom at nagkakaayaan ng inuman. Tradition na ata namin 'to tuwing after exams.
"Paramihan tayo ng mauubos na bote mamaya oh?" sagot ni Matt kay Alyssa habang malapad ang ngiti nito.
"Sinusubukan mo ba 'ko ha?!" Binangga pa nitong si Alyssa si Matt kaya natawa na lang ako.
Hindi ako pwede kasi dapat magkikita kami ni Clarence pagkatapos ng exams, kaso pagbukas ko ng phone ko ay wala pa rin siyang reply. Ang huling text ko ay 3 PM pa, 6 PM na ngayon. "Tuloy ba tayo mamaya?" pero walang reply.
Bigla namang sumulpot si Joshua sa likuran ko at sinilip ang phone ko.
"May date pala 'tong si Blake," sabay pitik nya sa noo ko. Sinimangutan tuloy ako nina Klea at Alyssa.
"You always do this, Blake!" Nagmamaktol na ngayon si Klea.
Yes, Blake. Blakely Rose Alvarez. That's my name, but I'd rather be called Blake.
"Hindi 'to date noh. I'm not his girlfriend yet."
"Ay oo nga pala. Wala nga pala silang label. Ako NBSB pero alam kong katangahan na 'yan," pabulong na pagkakasabi ni Alyssa na narinig ko pa rin naman.
I can't argue with her. Isang taon na kaming ganito ni Clarence pero hindi ko pa rin alam kung ano ba kami. Kahit naman sino ay ganun din ang opinyon gaya kay Alyssa.
"Tara na, Blake! Minsan lang 'to! Alak na alak na kami!" Kumapit pa si Klea sa braso ko at saka nag-puppy eyes. "Ikaw hindi pa ba?" dugtong niya.
Napaisip ako. Bakit ko ihihinto ang buhay ko para sa taong hindi ko nga matawag na boyfriend ko? Tiningnan ko sila isa-isa at saka unti-unting namuo ang ngiti sa labi ko.
"Sama ako!"
Maya-maya pa'y nakarating na kami sa The East Bar sa tulong ng Grab Car. Amoy na amoy ang alak sa paligid. May kumakantang banda. Ang daming pamilyar na mukha dito. Mga mukhang nakikita ko rin sa campus. Ang benta namin dito tuwing Friday at Saturday.
"Dito kami The East Bar. Punta ka na lang din dito kung gusto mo." Minutes passed and still no reply.
Sinusubukan kong huwag mag-isip ng kung ano, kaso ang hirap. Oo, wala kaming label ni Clarence, but he has treated me like a princess for a year now. Hindi sila boto kay Clarence para sa'kin pero hindi nila alam ang sinasabi nila. Sobrang buti niya sa'kin, 'yun ang hindi nila nakikita. Lately, yes, ang distant niya bigla sa'kin, but he probably has his reasons... right?
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...