Paubaya
Another two months passed and I've had no complaints in my job. Mabuti kong nababalanse ang trabaho sa opisina at trabaho sa site. Nasa momentum ko na ako. May maipagmamalaki na ako kay mama at papa. May maikukwento na ako sa mga kaibigan ko.
"Alam mo ma, isang beses ay pinuri pa 'ko ni PM."
"Mabuti naman kung ganun, Felicisima. Nag-iipon ka ba ha? Baka puro lakwatsa ka na naman diyan."
"Malamang, ma. Hindi na nga ako nakakapag-clubbing eh."
"Anong clubbing? Gusto mo bang mabuntis nang maaga?!" Napahagalpak ako sa reaksyon niya. "Mag-ipon ka at bumili ng sarili mong bahay."
"Ako pa ang magtatayo, ma."
Medyo mabigat nga lang kapag may mga panahong nako-contain kami ni Leo sa office, which thank God, rarely happens now. Parati kaming nag-aalternate sa trabaho. Kapag nasa site ako, office siya. Kapag nasa office ako, ay sa site naman siya. Mabuti na ring ganito.
"Yabang nito ah."
"Nga pala, sa birthday ko, hindi ako makakauwi diyan, ma. Sobrang alanganing iwanan 'yung construction eh. Nag-book na ko h—"
"Nako, hindi pa naman ako pwedeng makapunta diyan..."
"Bakit, ma?" Hinablot ko 'yung remote at hininaan 'yung volume. Huminto pa ako sa paghihiwa. "'Di ba 'yun 'yung usapan? Kapag hindi ko magawang makauwi, kayo 'yung pupunta dito? Nag-book na ako sa isang resort sa Tagaytay, ma. Mag-overnight tayo."
"Ano, kasi... 'yung papa mo."
"Oh?" Tumingin ako nang maigi sa mukha ni mama sa phone ko. Kinuha ko pa ito at saka sumandal sa kitchen counter.
"Nak, dun muna siya sa tito mo titira."
"At bakit?" Humigpit bigla ang lalamunan ko.
"Ang hirap nak eh. Mas napapadalas lang ang away namin."
"Maghihiwalay na kayo?" Napahawak ang isang kamay ko sa edge ng counter.
"Hindi naman. Ano lang, kailangan lang namin ng space sa isa't isa." Bakas sa mukha ni mama ang pagsubok na amuhin ako.
"Ah, space." I spent a year in Albay for my parents pero mukhang wala namang naayos.
"Kaya 'yun nak, medyo... magulo dito. Pwede bang babawi na lang ako kapag nakaluwag-luwag?"
Kung ayaw may dahilan, kung gusto may paraan.
"S—sige, ma."
"Nak..."
"Ma, end call ko muna. May tumatawag," pagpapalusot ko.
"Oh sige, Felicisima, bye."
"Bye, ma." Pagkapindot ko ng end ay inilapag ko agad ang phone. Napasabunot ako sandali sa buhok ko at napatakip ng mukha ko.
"Shit!"
Why was I so much in a hurry to grow up? Why was I so much in a hurry to graduate in college? I didn't know that achieving your dreams and getting your shit together could be this... lonely. Why does it have to be?
Unti-unti na namang dumidilim.
I grabbed my phone and scrolled through the contacts.
"Hello, good evening. This is Blakely Rose Alvarez. Pwede bang i-cancel ko na lang 'yung nai-book ko?"
"Good evening, ma'am. Wait a sec, po. Miss Alvarez po, 'di ba?"
"Yes."
"Check lang po natin... Yes, ma'am. You can certainly cancel this one but we're gonna have to charge your card. Sa policy po ito. It's gonna be—"
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...