Weird Kink
Kasalukuyan akong mabagal na naglalakad ngayon sa hallway ng engineering building na parang zombie. 3 AM kanina nung napagdesisyunan kong itigil ang pag-aaral ko. Gumising ako ng 6:30 AM para maghanda. Na-cover ko naman na ang lahat ng topics para sa Engineering Data Analysis, Computer Programming, at ng isa ko pang minor exam ngayong araw. Talagang review na lang ang ginawa ko hanggang alas-tres.
"Pareserve ng seat ha!"
"Good morning, guys!"
"Good luck satin sa exams"
"Potek ngayon lang ako kinakabahan"
"Hanggang anong oras kayong nagreview?"
"Nireview nyo ba ang REED? HAHAHAHA"
"Sama sama tayong bumagsak alright"
Habang naglalakad ay binabasa ko ang messages sa GC naming magbabarkada na may group name na "MGA TUKMOL!"
Nadagdagan na ang laman ng GC na 'to. Isinali ko dito sina Charles, Eric, Zoey, at Trixie. Unti-unti na rin kasi kaming napapadalas na sumabay sa kanila. Hindi naman kasi talaga sila mahirap pakisamahan.
Napacheck ako sa IG story ko kung saan pinicturean ko ang kisame ng kwarto kong may sticker na 3:06 AM at may text na "This is it. Good night." Konti pa lang ang views nito dahil sa kaninang madaling-araw ko lang ito pinost.
Mamayang 8 AM pa ang simula ng exam pero wala pang-7:30 AM ay nakarating na ako sa classroom. Apat na tao pa lang ang nandoon. Obviously ay inagahan para mag-reserve din ng upuan. Dumiretso agad ang tingin ko doon sa tabi ng bintana kung saan medyo blindspot. I'm confident with what I've reviewed pero mas okay na rin ang sigurado.
"Good morning, Blake!" malokong bati ng kaklase ko sa akin nung pagbukas ko ng pinto.
"Good morning, Ben-Ja-Min," pabiro ko ring sagot.
"Kailangan pa talagang kompletuhin." Natawa siya at may itinuro. "May secret admirer ka oh." Napatingin ako sa teacher's table at may nakitang grande na Starbucks. May katabi itong maliit na papel.
"Ha?" Kinantyawan pa ako nung apat habang papalapit ako sa table. Sigurado ba silang para sa'kin 'to? Dinampot ko ang kape at binasa ang nakasulat. It's chocolate cappucino. May kasama itong almond croissant. Binasa ko ang nakasulat sa papel, and it says "For Blakely Rose" na parang minadali lang ang pagsulat nito. Pamilyar sa akin ang penmanship, pero imposibleng galing 'to sa kaniya. Imposible.
"Yieee galing kanino 'yan ha?" Hindi ko alam bakit pero nakaramdam ako ng pag-init ng mukha ko dahil sa ginagawa ng mga loko. But I don't know if I'm supposed to feel flattered ganitong hindi ko nga alam kung kanino 'to galing. Baka mamaya ay may lason pa 'to, but dahil sa aroma ng kapeng 'tong amoy na amoy sa buong classroom, I'm willing to risk it.
"Aba malay ko. Baka nga may lason 'to eh," biro ko at tumikim sa kape at saka umupo na sa isang upuan na katabi ng bintana. Tamang-tama ang pait at tamis ng cappucino na 'to para gisingin ang tulog ko pang diwa.
Kanino nga ba galing 'to? Pinaglaruan ko ang makapal na papel sa mga daliri ko habang kumakagat sa croissant at saka ko lang nakitang may nakasulat pa pala sa likod nito.
-LA
"Grabe noh, pang-out of this world 'yung lumabas," reklamo ni Alyssa habang minamasahe ang batok niya.
"Ganun naman talaga eh. One plus one sa discussion. If Trump decided to run for presidency, then what is the probability of an apple being ripe ang sa exam." Tumawa naman 'yung mga sira ulo. Ang bababaw ng kaligayahan. Scroll down ako nang scroll down sa PDF sa phone ko para i-review ang codes para sa programming.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...