"Do they take cards?"
"Kapag tinatanong po ako kung saan ko gustong ilaan ang funds wala na akong ibang naiisip kung hindi 'yun. Ang dami ko kasing nadadaanang street children and to be honest, malaking bagay na po sa kanila ang bagay na potentially ay ipangpa-party lang ng department." Nakayukom ang mga kamay ko sa likod ng desk ni dean.
Sana ay sapat na ang drama ko para mapapayag siya. Pang-essay na 'yun eh. Ni-rehearse ko 'yun kanina word per word bago pumasok ng office niya. Sayang naman kasi 'yung nalikom na mahigit 200,000 pesos kung ipang-iinom lang din 'yun ng mga Civil Engineering student. Well, ganun naman ang nangyari last year. Hindi nga lang nalaman ng faculties.
"May vacant ka sa hapon, Alvarez?"
"Opo, dean, after Statics po."
"Then attend your class now. Balik ka dito sa vacant mo in the afternoon, okay?"
"Opo, salamat, dean!"
Bumalik ako sa classroom after kong magpaalam na kunyari ay mag-CR lang. Buti na lang ay hindi nagtaka 'tong si sir Pabillo bakit isang drum ata ang ihi ko. Ang hirap kasing hagilapin ni dean eh.
"Napapayag mo ba?"
"Hindi pa raw sure, Lys eh."
"Pang-inom na lang kasi natin 'yun," singit ni Joshua na kasalukuyang nakahalukipkip habang naka-jacket dahil sa ang lakas na naman ng aircon dito sa classroom.
"Magbagong-buhay ka na nga." Minadali kong kopyahin ang nasa board bago pa burahin ni prof.
"Oy, lakas. Demonyo ka rin naman." Siniko niya ako kaya siniko ko rin siya pabalik dahilan para matawa siya.
"Kainis dapat wala nang pasok eh. U-Week naman na next week." Ayun na si Klea at nagdukmo na sa desk niya.
"Si Matt nga absent na oh," ika ni Alyssa.
"Sana um-absent na lang din ako," bulong ni Klea habang nagpo-phone naman ngayong itinatago lang sa likod ng upuan ni Joshua.
"Oooy hinahanap," pang-aasar ko.
"Hindi ah! Na-mention lang naman." Inirapan niya ako. "Musta nga pala Albay?" Change topic.
"Nandun pa rin naman ang Mayon Volcano at lagi pa rin namang brownout." Kung makapag-usap kami ay parang wala lang kaming lecture. Sinasagutan lang naman kasi ang exam namin, kaya kahit 'yung professor namin ay parang walang pakialam kahit nagku-kwentuhan lang ang mga estudyante niya. Sobrang nakakatamad nga.
"Gaga! Nakasakay ka naman pauwi? Peak hour 'yung dating mo ah."
"Syempre noh, marami namang taxi paglabas ng airport."
Lie. Sinundo ako ni Leo. Akala ko nga ay hindi niya na 'yun maaalala pa o seseryosohin. Medyo nahiya nga ako dahil magastos sa diesel 'yung ganung pahinto-hinto dahil sa traffic, pero wala akong narinig na reklamo sa kaniya.
"By the way, I heard na may dance number kayo." Tinapik ako ni Klea sa balikat. Napabuntong-hininga ako
"Oo raw eh, maiksi lang naman siguro." Pagserbisyo sa department ang pinasok ko, at hindi ang sumayaw sa U-Week. Kung hindi nga dahil sa nagpapa-impress ako dati sa lintek na Clarence na 'yun ay hindi ako napasubo na maging officer.
"Class dismissed." Niligpit ko ang notebook, gtec, at phone ko at pinasok sa bag.
"Saan tayo kakain?" tanong ko.
"Food court na lang? Baka ma-late na naman tayo sa programming."
"Food court na naman? Hindi ba kayo nauumay?" reklamo ni Klea. "Mag-samgyup tayo!" Kumapit siya sa braso naming dalawa ni Alyssa na nagpapa-cute habang palabas kami ng classroom.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...