Top
"Upo kayo dito, and just wait for somebody to bail you out." Umupo ako sa isang upuan na nandito sa loob ng ginawang kulungan sa tabi ng canteen.
"If I were you guys, text niyo na friends niyo ngayon," sabi nung babaeng nakaputing dress na may dugo-dugo na kakatanggal lang ng nakakatakot niyang mask. May hawak siyang baseball bat na ngayon ko lang napansin plastic lang pala. Tumango ako at huminga nang malalim. Pakiramdam ko ay na-drain ako sa nerbyus na naramdaman ko kanina.
It turns out ay may activity pala ang university namin na The Purge. Kung sinong mga mahuhuli pagpatak ng 2 PM ay ikukulong. Mabe-bail lang ang mahuhuli ng ibang kakilala nila sa halagang 100 pesos, at hindi nila pwedeng i-bail out sarili nila. Ngayon ay dalawa na kami ni Gareth dun.
"I can't believe that you haven't heard of this event." Tumabi si Gareth sa akin at napatingin na lang ako sa polo niya.
"Sorry talaga, Gareth." Nakanguso akong nakatingin sa mantsa ng chocolate sa suot niya. "Hanap ako mamaya ng mahihiraman na pwede mong pamalit."
Kaninang takot na takot ako sa costume nung mga pumasok at mga sandata nilang hawak na puro lang pala plastic pero hindi ko naaninag dahil sa against the light sila, ay bigla kong idinikit ang ulo ko sa shirt ni Gareth para magtago. Nakalimutan kong may hawak pala akong sundae.
"Oh this? I have spare shirt sa court. Don't worry." Nginitian niya ako nang matipid.
"Sorry talaga. Ang lagkit niyan." Ang laki ng mantsang naiwan ko sa polo niyang Regatta. Matatanggal naman siguro 'yan kapag nilabhan noh? "You know what? Bigay mo na maya 'yan sa'kin. Ako na ang maglalaba, okay? I'll handwash it, para hindi masira ang tela."
"You're sweating it too much."
"Sige na, please. Kahit dun na lang mabawasan ang kahihiyan ko." Ngumuso ako sa kaniya at nag-beautiful eyes dahilan para mapangiti siya. "I can return it to you maybe sa Monday?"
"Alright, Blakely." Tumingin siya sa labas at muling nagsalita. "You're improving."
"Huh?"
"You now don't have to be drunk to stain somebody's shirt." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, lalo na nung napatakip siya sa bibig niya ng likod ng palad niya na pinipigilan ang pagtawa niya. Oo nga pala, 'yung mga ikinwento ko sa kaniya nung Victory Party!
"Aba..." Pinalo ko siya sa braso. "gago!" Napaawang ang bibig niyang napatingin sa akin at muling napangiti. "Ay, sorry!"
"Ang lutong."
"Kahit sino magbe-bail out diyan kay Jaxon maiuwi lang 'yan," dinig kong usap-usapan nung mga babaeng naka-costume na nasa labas ng kulungan namin. Mukhang hindi niya iyon narinig at parang ako lang ang nababahala na baka nga maya-maya lang ay wala na akong kasama dito.
Tumingin ako sa paligid at may kasama kaming mga more than 10 na tao pa dito, pero medyo malayo kami sa kanila.
"I didn't mean to call you..."
"Gago?"
"Yeah, sorry." Napahawak ako sa mga tuhod ko.
"Are you shy?" Nakita ko sa peripheral vision ko ang bahagya niyang paglapit sa mukha ko na parang ine-examine ito.
"Oy, hindi ah. After nung bond natin sa Victory Party mahihiya pa ba ako?" Pinilit ko ang pagtawa.
Oo, nahihiya ako. That night I was drunk kaya ang bilis kong nakasundo si Gareth. I didn't care about Gareth's status. I'm neither drunk nor tipsy now kaya wala ako nung confidence na meron ako nung gabing 'yun.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...