Chapter 35

75 5 2
                                    

Bodyguard

"Leo! Leo! Nandito na tayo." Niyuyugyog ko siya pero hindi talaga magising. "Iinom-inom kasi nang ilang araw tapos hindi naman kaya eh." Napakamot ako ng batok ko. Magmamadali pa naman akong pumunta ng cafe.

"Knock out na talaga 'yan, miss. Baka kailangang buhatin," komento nung driver ng taxi na inihinto ang taxi sa harap ng bahay nila Leo.

"'Yun nga po. Manong, wait lang po ha. Papahatid na lang ako after nito. Sorry, ginawa pa kitang personal driver."

"Walang problema dun."

"Leo!" Muli ko siyang niyugyog. Sinusubukan niya pa lang imulat ang mga mata niya habang nakakunot-noo.

Bakit ba ganito na ang sitwasyon nito? He probably should just get back together with Charlotte if only break na 'yung dalawa, baka maalagaan pa niya 'to. Yes, it still lingers on me. Why not? He used me to get back to somebody who stole that woman from him. Does he have feelings for Charlotte pa rin ba?

"Bl..." Is he trying to say my name? "Blake." I froze. Ngayon ko na lang ulit narinig mula sa kaniya ang pangalan kong may maamong tono.

I don't know why he still has an effect on me. Dapat wala na.

"Jusko! Hijo!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng hysterical na boses na iyon. Mayordoma nila na bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala ang bumungad sa akin. Nangingilid ang luha nito.

Hindi ba nagpaalam ang kumag na 'to?!

"Leo Adrian! Saan na naman pumunta 'to? Kahapon pang pinapahanap ng daddy niya 'to." Bumilis ang tibok ng puso ko sa nerbyus sa reaksyon niya.

Sinubukan niyang alalayan si Leo na makatayo, kaya pati ako ay tumulong na rin. He's walking, pero bahagya siyang gumegewang kaya nasa magkabila kaming nakahawak sa kaniya para siguraduhing hindi siya matumba.

"Kailangan niyo ba ng tulong?"

"Kaya na 'to, manong. Salamat po."

"Mabuti naman at inihatid mo 'to, hija."

"Oo nga po. Buti na nga lang at napatawag sakin si Kevin eh."

Kung hindi ko pa nakita sa story ni Kevin yung mesang 'yun, hanggang ngayon ay hindi pa rin siguro umuuwi ang magkakaibigan. Delikado pa kapag may nagtangkang magmaneho sa kanila. Thanks to that geometric design.

Dumaan ang mata ko sa mukha ni Leo habang nakahawak ako sa braso at bandang dibdib niya upang alalayan siya, and saw him looking at me. Why does he constantly look like he wants to say something to me? Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Aalis po agad ako, manang. May shift pa kasi ako." Mabilis kong idinivert ng atensyon ko nung nakapasok na kami ng living room nila. "Naghihintay din po sakin 'yung taxi driver."

Napalinga-linga ako sa living room nila na halos wala pa ring may nagbago. So I'm at my ex' house, para maalalayan siyang makauwi nang ligtas. This is nice.

"Sige, hija. Hatid na lang muna natin siya sa kwarto niya ha. Pasensya ka na. May appointment pa sana 'to ngayon kay doc. Naku po."

"Appointment saan po?"

Hindi pa nakasagot si manang, at ni hindi pa kami nakakaapak ng hagdan ay dumagundong na ang mga yapak na pababa ng hagdan. It's his father. Sabay kaming tatlong napahinto.

"You useless piece of shit!" Wala pang limang segundo ay nakababa na agad siya. Nataranta ako sa hitsura niya pero wala akong magawa sa mabilis niyang pagtapon ng suntok kay Leo dahilan para mapasigaw kami ni manang. "Ano? Tuluyan mo na bang papatayin ang sarili mo?!"

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon