Yap
Bigla akong nakarinig ng busina sa likuran ko at napalingon ako dito. Ibang kotse ito, hindi kay Clarence, pero pamilyar sa akin. Huminto ito sa tabi ko at saka nagbaba ng bintana.
"Can I help you, miss?" Nilakasan nito ang boses niya para masapawan ang ingay ng ulan. Tinitingnan ko nang mabuti ang mukha niya dahil hindi ako gaanong makakita dahil sa ulang bumabagsak sa akin.
Leo?
"Blake? Wow, it's a small city. Hop in!" In-unlock nito ang pinto ng kotse niya.
Hindi ko pa ma-contain ang nararamdaman ko ngayon at gusto ko pang mapag-isa, even if it means walking through this rain nang hindi alam kung saan ako patungo. Gusto ko lang na mapag-isa.
"Leave me alone, jerk." Dumiretso ako sa paglalakad ko. Bakit nga ba ang liit-liit ng mundo? Bakit kailangan ko pang makasalubong si Leo sa ganitong sitwasyon ko? Sinundan niya ako ng kotse niya na binabagalan lang ang takbo.
"C'mon, you're soaking wet."
"No, just leave me alone."
"I'm losing my patience here."
"Edi umalis ka." Binilisan ko lalo ang paglalakad ko pero wala rin namang silbe 'yun kasi nasa kotse nga naman siya.
"Kapag may nangyari sa'yo, konsensya ko pa."
"Why do you care anyway? Just leave me alone!" bulyaw ko. Mabuti na lang at umuulan kaya't hindi niya nakikita ang mga luhang hindi ko mapigilan sa pagdaloy.
"Were you in a date?" Nakatingin siya sa suot kong hapit habang nakasunod pa rin sa'kin. "Hindi ka niya hinatid?" Natatawa pa ang kumag na 'to. Nakakatawa ba ang sitwasyon ko ngayon?
"Napakachismoso mo. Mind your own business."
"Was it with Clarence?" Nakangisi itong halatang nang-aasar. How dare him?
"Pwede bang umalis ka na?!" Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko at halos patakbo na. Napansin kong inihinto niya ang kotse. Hindi 'ko sigurado, kasi hindi ko na siya nilingon pa. Siguro mag-U-turn na 'yun at aalis na. Mabuti nga, baka ipa-salvage pa 'ko ng demonyong 'yan.
"Ang tigas ng ulo mo!" Hinila niya ako nang biglaan sa pulso.
"Anong ginagawa mo?!"
"Just get in the goddamn car!"
Napatingin ako sa mukha at buhok niyang agad na nabasa ng ulan dahil sa lakas nito. Basang-basa rin 'yung t-shirt niya. Sandali lang ay naitulak niya na 'ko sa passenger's seat at saka agad na sumakay na siya sa kotse.
"Look what you did to me!" Nakakunot ang noo niyang halos magtagpo na ang kilay niya at saka pinaandar na ang kotse.
"Pinilit ba kitang isakay ako dito ha? Ang arte." Tumingin ako sa labas at saka pinunasan ang luhang naramdaman kong dumaloy sa pisngi ko.
"Who in the right mind would walk there alone in the dark while it's raining?"
"Wala akong panahon para sa tantrums mo, Leo." Totoo naman kasi. Para siyang bata sa lahat ng bagay kahit na mas matanda siya sa akin. Dinidibdib niya pa ngang hindi ako nag-sorry sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...