Merry Christmas
"Paano mo nakalimutan yun nang ganun lang, Blake?" Para akong batang may kasalanan at nakatayo ngayon sa harap ni papa at katabi ni Leo.
"Pa, hindi ko nakalimutan. I'm just giving him another chance to prove himself, pa. I didn't give in immediately. Ang dami pang nangyari doon sa Manila bago humantong dito."
"Pucha!" Sandali akong napapikit dahil sa nerbyus sa reaksyon ni papa. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ganito kagalit.
"Kaya nga po siya nandito para pati kayo makausap niya," nang-aamo kong pagkakasabi. Nandito kami ngayon sa garahe habang nandun lang yung ibang naiwan sa kusina.
"Nakalimutan mo na bang ganun-ganun ka na lang niya iniwan, Blake? Ganiyan ka na ba katanga?" Nadama ko ang pagbasa ng gilid ng mga mata ko. Hindi ako sanay na ganito manalita ang tatay ko sakin. I felt Leo hold my hand.
"Tito, sakin na lang. Ako lang yung nagkamali." Tinitigan siya ni papa nang matalim at hindi pa agad na nakasagot. "Blake, please go back there," mahina niyang pagkakasabi sakin.
"No, dito lang ako," protesta ko kay Leo.
"At nasaan ba yan noong sinasaktan at minumura ka ng mga tao sa putanginang internet na yan?! Akala ko ay matinong lalaki na yung ipapakilala mo sakin, ito pala ulit."
"Pa... just please try to get to know him again."
"Hindi mo alam kung gaano kahirap yang hinihingi mo sakin, Blake. Parang hiniling mo na rin saking ihanda ko na ulit ang sarili kong makita kang gaguhin ng taong yan." Hindi na ako nakapagsalita.
Naiintindihan ko. Alam kong hindi bastang nanghihimasok lang si papa sa buhay ko. He's just being a father, who hates seeing his daughter get hurt. Pero handa na akong sumugal ulit, kahit pa na masaktan ulit ako.
"Walang araw na hindi ako nagagalit sa sarili ko kasi tinanggap agad kita. Iningatan ko mula pagkabata yan, Leo."
"Alam ko po. Gaya niyo ay gustong-gusto ko ring ingatan at alagaan si Blake. Alam kong ayaw at hirap kayong paniwalaan yan ngayon."
Nadama ko ang panginginig ng mga labi ko. If this was just some guy who I didn't genuinely love, I wouldn't be like this. Hindi ako maaapektuhang inaayawan siya ng pinakaunang lalaking minahal ko. But this is Leo. Kung kailang gusto ko nang hayaan ang puso kong sumaya, saka pa parang ipinagkakait na sa akin yun. Napapagod na ako.
It's not loneliness that's the issue. I tried going on dates with other guys. Kung yun lang ang issue ko ay edi sana hindi ako babalik at babalik kay Leo. Ilang taon nang pagtatagu-taguan at nandito pa rin ako, hawak yung kamay niya.
"Ilang beses po akong pinagtulakan ng anak niyo, pero pasensya na po, kahit ano pang iwas ko para mapagbigyan siya sa gusto niya nung sa Manila ay sa kaniya pa rin yung bagsak ko. Ang dami kong naging kamalian. Gusto kong simulan sa tamang paraan kaya nandito po ako ngayon sa harap niyo."
"Hindi pwede. Hindi ako papayag. Napakaraming lalaki diyan. Bakit kailangang bumalik ng anak ko sa nanakit sa kaniya?"
Ganiyan na ba talaga katigas ang puso niya? Hindi ba pwedeng lambutan niya ang puso niya ngayon total Pasko naman?
"Pa, ang tanda ko na. I know what I'm doing. Hindi mo ako pwedeng diktahan lang, pa." Napailing-iling si papa. I haven't seen him this cold.
"Ngayon lang ako nadismaya nang ganito sayo, Blake."
Fuck.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...