Chapter 43

87 4 0
                                    

Luis Almonte

"Blake Alvarez!"

"Napatawag ka," I answered the call habang tinutulak ang cart dito sa grocery store. Ang dami kong kailangang bilhin. Wala na kasi akong maluluto doon sa apartment ko.

"Birthday ni Klark, Sunday evening, sa bahay nila. Ano? G?" I grabbed vegetables because my organs are begging for me to treat them better.

"Welcome ba 'ko diyan?"

"Oo naman. We were just talking about you last night. Teka, Sabado ngayon. Bukas na pala." Occassionally ay nakakakulitan ko pa itong si Luis sa social media accounts niya kahit na parehas kaming busy sa kaniya-kaniya naming mga buhay. "You should come."

"Eh si Kevin pupunta? Nagpakita na ba sa inyo 'yun?"

"Miss mo na ba 'yun?"

"Miss husgahan." I heard his chuckle on his end.

"Ayun, hang up pa rin kay Harper. Sa wakas, kinarma rin ang gago." Natawa ako sa lakas ng tawa ni Luis sa kabilang linya. Tiningnan ako ng babaeng katabi ko dito sa vegetable corner. Akala siguro ay baliw na 'ko. Natatakpan kasi ng buhok ko ang earpods ko.

"Sayang naman. Sasama sana ako kapag nandun siya at maaasar-asar natin siya."

"I'll try my best to contact him then. So..."

"But Leo?"

"Let's surprise him. Let's see his reaction." Wala pa ring kupas ang friendship nitong apat na 'to. "You should bring a date with you." Tumawa siya nang makahulugan.

"Paanong masu-surprise 'yun eh magkatrabaho kami nun ngayon?"

"Oh, that. Don't you find that sketchy?"

"Alin?" I pulled my cart to one of the counters para pumila na.

"Oh, Blake." Saan ba 'to ngayon at ang ingay ng paligid niya? I can barely hear him. Mas maingay pa ang mga nag-uusap-usap sa paligid.

"Bakit ba?" I grabbed my wallet and checked kasi baka naiwan ko ang card ko sa ibang bag ko at mapilitan akong mag-cash, but yeah, nandito naman.

"Nothing—so? Punta ka?" 

"Teka, anong address ni Klark?"

"Don't worry about it. I'll pick you up. Just text me your new address, okay, babe?"

"Babe mo mukha mo, Luis."

"I'm just being sweet, Blake." Hindi ko na pinatulan kasi alam kong kapag nag-react pa ako ay mas lalong hindi ako titigilan.

"I'll go, Luis. Baka naman i-out of place niyo ako dun, nako."

"Trust me. You won't be."

I still don't know how we have been keeping in contact with each other all these years. Sa kanilang apat ay si Luis lang ang hindi nawalan ng contact sa'kin. Paano ba naman kasi, hingi nang hingi ng advice para doon kay Khloe na in love raw sa vocalist ng isang banda. Mukha ba akong expert sa pag-ibig eh dalawang taong minahal ko ay niloko lang ako?

One time, he even visited our resort with his different set of friends. Hindi naman kami gaanong nakapag-catch up nun since I was busy with my thing and they were busy with their tour. Halos ginawang tulugan lang ang rooms nila.

One thing's weird about him though. He keeps on asking for updates about my love life. Kung may boyfriend na raw ba ako, kung may nakilala ako sa Albay, at kikilatisan niya pa raw kapag may nakilala ako. Unfortunately for him, wala akong ganap sa buhay-pag-ibig ko for years now—I guess.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon