Claudette
"Ahhh! Go Leo!!!" Tinaas ko ang hawak kong tarpaulin na may nakasulat na "YOU'RE MY MVP, LEO ADRIAN YAP!" kasabay ng biglaan kong pagtayo nung naka-3 point shot siya.
Kahit hindi ako ganun kalapit ay nakita ko ang agad na namuong ngiti sa labi niya at pag-apir niya sa kasama niya. Grabe, kahit pawis na pawis na siya habang nagja-jog ay mukha pa rin siyang pinaka-fresh sa lahat. In fact ay kino-compliment pa siya ng pawis niya. Bahagyang bumabakat ang abs niya sa jersey niya! Pakiramdam ko ay nagre-rejoice ngayon ang ovaries ko.
"Leeeeeeo!"
Dumadagundong ang sigawan ng mga tao dito sa arena, pero mas nilalakasan ko pa ang sigaw ko marinig lang ako ni Leo. Aware ako kung gaano kalawak nitong arena pero mukhang naging effective 'yung sigaw ko dahil bigla siyang tumingin sa dumireksyon ko, tinuro ako, at kumindat.
"Ahh!!! Tangina mo, Blake! Ang swerte mo!" sigaw ni Klea.
"Ang sarap mong sabunutan!" Bahagyang hinila ni Zoey ang buhok ko pero hindi ko na 'yun alintana dahil sa intensity ng game nila dito sa arena, to the point na palundag-lundag na ako. "Fuck youuu!"
Tinutulak-tulak na ako nila Trixie at Alyssa pero busy akong panoorin si Leo kaya mamaya na sila sa'kin.
"Kung hindi lang kita kaibigan pinakulam na kita!!!" Dapat na ba akong mabahala kay Trixie?
It's the second semester. Sa awa ni Papa G ay nairaos naming magbabarkada ang lahat ng courses last semester. Ngayon ay ibang major subjects naman ang hinaharap namin, at nasa kalagitnaan na kami ng midterm. Classmates pa rin kaming magbabarkada at officer pa rin ako. Wala pa namang nagshi-shift sa'min. Not a lot has changed, except from finally, umamin din sina Matt at Alyssa na sila na.
Well, hindi naman siguro sila umamin if we didn't catch them na nagchuchukchakan sa kotse ni Joshua after ng exams sa finals. They were too drunk to realize na nandun na kaming nabuksan ang pinto ng kotse at pinapanood sila na parang live show.
Nung kumalma na kami at nakaupo nang maayos dahil sa halftime naman at may nagpe-perform lang sa court, ay biglang nagsalita si Trixie.
"May girlfriend na ba si Klark?" Nagtawanan 'yung mga baliw at si Klark naman ang pinupuntirya ngayon nilang pagnasaan.
Napatingin ako isa-isa sa kanilang magbabarkadang nakaupo sa bench at umiinom ng gatorade. Si Kevin ayun at nakuha pang i-flex ang biceps niya kanina nung naka-shoot siya, kay Luis na medyo naging moreno sa getaway nila ng family niya sa Indonesia which honestly suits him, and lastly, kay Klark na bagong gupit at naka-crew cut kaya mas kumisig itong tingnan. No wonder na siya naman ang pinaglalawayan nitong mga 'to.
"May rumored girlfriend 'yan noh," paninira ko ng moment nila. "Nasa ibang university daw 'yun." Nagkibit-balikat ako na may lihim na ngiti at mukhang natalo sa sugal sina Trixie at Zoey.
Maya-maya lang ay nasa last 30 seconds na ng game. Tie pa ang dalawang team. Nasa 82 points parehas. Jusko, magkaka-rematch pa ata 'to! Mas lalong umiingay dito sa arena dahil sa tension ng laro. Pakiramdam ko ay pagpapawisan na ako sa kili-kili!
Shiiit, naagaw ni Gareth ang bola! Naitulak ko nang malakas si Klea na nasa tabi ko. Wala na akong pakialam! Hinaharangan siya ng kalaban pero sobrang focused niya pa rin.
Last 10 seconds! Tumatakbo si Gareth papuntang ring!
Last 5 seconds! Mag-jump shot siya!
"YEEEEES!!!" Na-shoot ni Gareth! Nagsitayuan ang mga tao dito sa arena at nag-ingay habang ang team nila Leo ay nagsitaasan ng mga kamay at tumakbo papunta sa isa't isa at nagyakapan.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...