Father Issue
"Ano pa ho ba yung kulang, ate?" tanong ng aming katulong kay mama.
"Yung para sa buko pandan."
"Nagko-compensate ka para sa ka-bitter-an mo, ma? Puro sweets na tayo ah."
"Aba, Felicisma. Atupagin mo na lang ang trabaho mo diyan." Napangisi ako dahil sa pagkasungit ng nanay ko. "Kung anu-ano pang sinasabi mo diyang chanak ka," she murmured dahilan para mapahagalpak na ako.
Habang sila mama ay abala sa pagluluto ng mga pagkain mamaya para sa Noche Buena, ako naman ay nandito sa steel ladder namin habang inaayos yung Christmas lights na sa hindi malamang dahilan ay natanggal sa bandang pintuan. Dapat kasi ay nandito na si papa eh. Mas nauna pa sila tita, tito, at Sophia dito. Napagdesisyunan nilang dito na lang din aabangan ang Pasko.
"Himalang wala pa dito si Leo, darling."
"Baka may plano rin na sa kaniya yun para sa Pasko, tita."
"Nako, araw-araw na yung nandito. Ngayon pa kayang Pasko?" Totoo naman ang sinasabi ni tita. Nagkasunod na ang pagpunta ni Leo dito. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya nababagot na wala namang ganap dito. Parati lang siyang tumutulong sa paghuhugas ng mga plato at magligpit ng kung anu-ano.
"Eh inimbita mo ba?" pagsingit ni mama, kaya hindi ko namalayang napasinghap na ako.
"Ah..."
"Imbitahin mo na."
"Ha?" sabay kaming napahinto ni tita sa kaniya-kaniya naming ginagawa at nalaglag ang pangang nakatingin kay mama.
"Para na rin makilatis ulit ng papa mo. Hindi talaga sila nagkakaabot nun eh."
"Alam ba nung nandito si Leo, ma? Nakwento mo?
"Nako! At ako pa ang dapat na magsabi? Hindi ba ikaw ang dapat na matagal nang nagsabi doon? Alam mo namang hindi kami gaanong nagkakausap nun."
"Ay patay." Napakamot ako ng noo ko.
"So naghihintayan lang kayong dalawa?" pagsingit ni tita. "I-surprise niyo na lang mamaya." Humalakhak ito.
Tinawagan at inimbita ko nga si Leo. Naawa na rin ako kay Kevin na walang makakasama ngayong Pasko lalo na't magulo pa rin sila ni Harper hanggang ngayon kaya sinabi kong isama na rin. Hindi naman ibang tao ang gunggong na yun sakin.
"But at least I'm not stuck on a construction site, right? Ayokong nadadapuan ako ng alikabok. Nagkaka-breakouts ako," she defensively said as she was arranging the food on the table.
"I just asked you if nakakapanibago ba yung puro flight, Sophia." I tapped her hand. "Sorry if hindi ko na-dumb down yung tanong ko para sayo," I whispered.
"What?" iritado niyang tanong.
"Nothing." Ngumiti ako nang malapad sa kaniya at nagpatuloy sa ginagawa.
So that day went on with my usual banters with my dear cousin. We really can't be contained in any place together. I don't know why I can't ever begin to like her, and I know that she feels the same about me. My phone vibrated so I grabbed it from my pocket and checked the message that I got from Leo through Whatsapp.
Leo: Babe, mamayang gabi na ako pupunta diyan.
Leo: I'm stuck with Kevin here. May kinitang business partner.
Ay nasanay na sa pag-update?
"What are you so happy about?" tanong ng epal kong pinsan at tiningnan akong nanghuhusga. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...