Chapter 24

105 10 4
                                    

Dodgeball

Ibinuka ko ang bibig ko pero hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Nakatingin ulit si Leo sa'kin na parang hinihintay akong magsalita habang nag-iigting ang panga.

"What the fuck, dude?!" sambit ni Kevin na nakapagpabasag ng katahimikan. May mga kasama pa silang pasimpleng natawa sa reaksyon niya. Muling tumingin si Leo kay Gareth na napakatalim at sinunggaban ito. Agad niyang sinuntok nang malakas si Gareth dahilan para matumba ito. Agad niya pang pinasundan ng suntok.

"Leo!" Tumakbo ako papunta sa kanila para awatin siya. Hinila ko ang jersey ni Leo pero hindi man lang ako nito nililingon.

"What did you do?!" bulyaw niya kay Gareth.

"Leo, stop it! Mali ka ng iniisip! Please!" Pinunasan ni Gareth ng likod ng palad niya ang dugo sa labi niya at saka nagsalita.

"You're pathetic." Sinipa niya si Leo at ginantihan ito ng suntok. "So what if something happened? Go have fun with Claudette."

"Gago ka!" Muli siyang sinuntok ni Leo nang napakalakas.

"Oh my god! Tama na!" Nagsilapitan ang mga team mate nila para awatin sila. Ayaw na ayaw ko talaga sa mga away. I can't even bear watching a fake wrestling. Ito pa kaya?

"I know what you're trying to do. Do you think that I don't notice?" Ang kamao ni Leo ay naghihintay na lumanding sa mukha ni Gareth. Hinawakan ko ang pulso niya para pigilan ang suntok niya.

Anong sinasabi niya?

"Nothing's going on, Leo! Makinig ka kasi muna sa'kin."

"What's happening here?!" dinig kong boses ng coach nila. Tinulak niya ang mga kasama niyang kaninang nakaawat sa kaniya at saka lumabas ng shower room. Napatingin ako kay Gareth na pinanood si Leo na umalis.

"Pikon." Bahagyang natawa pa ito kay Leo.

"Gareth, sorry." Hindi ako makatingin pa sa iba nilang mga kasama dahil sa kahihiyan. Baka ganun din ang iniisip nila sa'kin. Bago pa makasagot si Gareth ay agad akong lumabas ng shower room para habulin si Leo.

Ang bilis ng lakad niya at hindi alintana ang fans niyang tumitingin sa kaniya at tinatawag siya. Ang bawat hakbang niya ay kailangan ko pang takbuhin upang maabutan ko siya, hanggang sa nakarating kami sa parking lot para sa mga VIP. Mabilis niyang binuksan ang kotse niya.

"Leo! Teka naman!" Bago pa siya makapasok ng kotse ay nahawakan ko ang kamay niya kaya napahinto siya. Nadaanan ng mata ko ang napunit na balat sa gilid ng nata niya dahil sa suntok ni Gareth. "Nagiging basagulero ka na naman!" Tumingin siya sa akin nang matalim.

"Is that what you are, Blake?"

"What am I? I told you, wala kaming ginagawang kung ano, Leo."

"Then why are you there alone with him?" Mahina lamang ang boses niya pero matigas ang bawat salitang binibitawan niya. Nakita ko ang pagyukom ng kamao niya.

"There was this Kali, 'yung babaeng parating sumusunod sa kaniya. Nakasalubong ko siya kanina, and then—"

"Doon ka na sa kaniya, Blake. Sa huli ganun din naman, 'di ba?" Hindi maalis ang tingin ko sa mukha niyang namumula sa galit. "Malalaman ko na lang na—"

"Tangina! Na ano? Naririnig mo ba ang sarili mo, Leo?"

"Just go back to him, Blake. Doon ka na."

Ganito pala ang pakiramdam na parang ang dali-dali mo lang itulak sa ibang tao.

"What the fuck, Leo? Please listen." Sinubukan ko ulit na kunin ang kamay niya pero mabilis niyang iniwas 'yun.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon