Chapter 54

50 2 0
                                    

Albay Visit

"Darling, nakauwi ka rin dito!" Sinalubong ako ng yakap ng tita ko kakapasok ko pa lang ng gate ng bahay namin.

"Medyo busy po eh. May mga pasalubong ako para sa inyo dito," sagot ko habang naglalakad kami papasok ng bahay. Talagang pumunta pa siya sa bahay nang ganito kaumaga para salubungin ako.

"Sus, yung nanay mo kasi tamad magbakasyon doon."

"Sinabi mo pa tita."

"Bruha! Yung anak mo nandito na!" Natawa ako sa pagkakasabing 'yun ni tita papalapit pa lang kami ng pintuan. Ang lapad naman ng ngiti ng katulong namin noong nakita ako.

"Blakely, jusko. Dalagang-dalaga ka na." Mabilis din siyang yumakap sa akin. Pakiramam ko ay galing akong abroad. Sa Manila lang naman ako galing.

"Ngayon lang po?" Nagtawanan kami nang konti at saka narinig ko ang mga yapak ni mama pababa. Pasimple pa ito pero nakikita ko naman ang ngiti niya.

"Mama!" Ibinaba ko ang mga maleta ko para masalubong siya sa hagdanan at mabigyan siya nang maraming kiss hanggang sa tawagin niya ang Panginoon dahil sa pagkabwisit sa'kin.

"Jusko, patawarin nawa 'tong batang 'to!" Lahat kaming nandito ay natawa sa reaksyon ni mama habang tinatakip niya ang palad niya sa mukha ko.

"Marami kang luto, ma? Gutom na ako." Napahawak ako sa tiyan kong kinurot niya dahil sa may konting parteng lumalabas dahil sa medyo maiksi ang suot kong damit na panloob. Naka-jacket naman kasi ako kanina.

"Tara na at kumain na. Maagang pananghalian 'to."

Hindi nakakatulong ang amoy ng mga ulam mula sa kusina na umaabot dito sa sala na sigurado akong pang-pyesta na naman sa dami.

"Si papa po?" tanong ko habang naglalakad kami patungong kusina. Napansin ko ang sandaling paghinto ni mama habang nakatingin sa mukha ko bago sumagot.

"Papunta na 'yun dito. Nakalimutan atang umaga ka darating."

"Okay po." Bahagyang nanliit iyong boses ko at nadama ko ang pagtamlay ngiti sa mga labi ko hanggang tuluyan itong naglaho. Hindi pa rin pala siya dito tumutuloy.

"Nako, kumain ka nang marami at bibisita pa tayo sa resort." Nadama ko ang kamay ni mama sa likod ko. She's trying to comfort me, and for now, this is enough. Tumingin ako sa kaniya at muling ngumiti.

"G, ma."

"Anong G?"

"Game," sagot ko at saka tuluyan nang pumwesto sa upuan. Ang dami ngang ulam! Titikman ko 'tong lahat kahit na pumutok pa ang tiyan ko. Sobrang minsan ko lang matikman ang luto ni mama.

"Anong game?" Nagkatinginan kami ni tita at sabay na napairap habang nakangisi kaya si mama ay biglaan akong binatukan.

"Ma! Kumain na nga tayo." Nagsimula akong kumuha ng kanin para mailagay sa plato ko.

"Good mood ka masyado ngayon ha."

"Syempre, ma, makakasama ko kayo sa Pasko."

Naalala ko 'yung napag-usapan namin kanina ni Sam sa airport. Medyo mahirap pa rin silang mai-digest sa isip ko. I kept on pushing Leo away, but now that I know na matagal na pala silang nag-break ni Sam, it gives me mixed emotions.

"Ang sabihin mo, may boyfriend na itong unica hija mo."

Si mama ay mabilis na lumipat ang mga mata sa'kin. Hindi ko napigilan ang pagngiti ko. Parati siyang nagsasabing maghanap na ako ng boyfriend pero kapag naman may nanliligaw o pumuporma sa akin ay biglang nag-iiba ang attitude niya tungkol dun.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon