Who is Leo Adrian?
"Hello? Luis?" Luis rarely calls me. Weird.
"Kevin said that he saw you awhile ago in Milktea Live?"
"Yes, paano niya... never mind." Kevin is weirder though. "What's up?"
"Sino bang naglista nung mga data nung last? Parang may mali," sambit ng isang kagrupo namin sa CETEST na nagngangalang si Alex. Currently ay nagtatagpo na ang mga kilay niya at napapahawak siya sa batok niya. Mataray 'tong babaeng 'to when it comes to acads pero mabait naman siya kapag labas sa acads. Let's just say na medyo nakaka-pressure siyang makagrupo.
"Blake, it's about—"
"Wait lang, Luis ha." Inilapit ko ang katawan ko sa kanila para magkarinigan kami kahit na marami-rami ang tao ngayon dito sa milktea shop malapit sa university.
"Yup, okay."
"Ako 'yung sa notes sa phone, pero naglista rin si Brian sa papel. I-compare na lang kung may inaccuracies." Tumango lang si Alex habang pinipindot-pindot ang scientific calculator.
"Ano 'yun, Luis?"
"It's Leo."
"What about him—oh crap! Mali pala ang unit ko dito!" Napasampal ako sa noo ko habang tumitingin sa papel. Kaya naman pala kanina pa 'kong stuck dito sa solvings ko. Talagang ayaw magtagpo. Ang tanga-tanga ko naman!
"Are you busy?"
"Um, medyo." If medyo means na occupied na ng papers namin ang buong long table dito then yes, medyo lang. "Pero okay lang. Ano ba 'yun?"
"Si Leo kasi." I don't feel good about this. Napabitaw ako sa hawak kong gtec para mas lalong makapag-focus sa sasabihin niya. "He got his dad's MUX fucked," and I heard giggles.
"What?!" sagot ko sa kabilang linya at agad akong napatayo.
Next week is gonna be a week before the midterm exams and ngayon pa lang sobrang hectic na namin. And this is the news that I get.
"Blake, ilan ang air entrained natin dito?" tanong sa akin ni Klea habang pinapakita ang hawak niyang papel na may solvings sa'kin.
"Wait lang ha." Sumenyas ako kay Klea at saka pumunta sa isang corner para medyo makalayo sa mga kagrupo ko.
We decided ng groupmates kong dito sa milktea shop na 'to tapusin ang lab papers namin after ng class sa Engineering Management. Kailangan naming matapos ang mga 'to para makagawa na kami ng design mix namin. Sa Tuesday na kasi ang laboratory. Anyways, may panahon naman ako para tapusin 'to since wala naman kaming pasok bukas which is Friday.
"He was so pissed. We don't know why."
"Oh my god. Okay lang ba siya?"
"That idiot just punched me—"
"Luis, I was asking kung okay ba siya!" Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay namumutla na ako ngayon sa nerbyus.
"I don't think I dislocated anything, but thank you for asking. Anyway, malapit na kami. Come out." Narinig ko ang malakas na tawa ni Kevin.
"She sounds like a mom."
"Naka-speaker ba 'ko?!" singhal ko sa tawag. Tumitingin sa akin si Klea pati ang iba ko pang groupmates na parang nagtataka.
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...