Chapter 20

113 8 6
                                    

"Ako lang 'to, si Leo."

"Bilisan mo na diyan! Sina Joshua magsisimula na sa pag-inom!"

"May surprise kami sa'yo mamaya, Blake!" dinig ko ang tawanan nila sa kabilang linya.

Mabuti pa 'tong mga 'to. Enjoy na enjoy nila ang U-Week samantalang ito ako at minamadaling ayusin ang suot ko mamaya sa competition namin. Maging ang mga kasama ko ay nagpa-panic na rin dito sa backstage sa pag-aayos ng props na gagamitin mamaya.

"Blake!" Lumingon ako kay Oliver.

"Yeah?"

"Pwede bang mamaya ka nang makipagchismisan? Nakikita mo ba ang mga kasama mong kaliwa't kanan na ang ginagawa?"

"Sorry!" Pinatay ko ang call. Napagalitan pa tuloy ako dahil sa mga 'to. Ang sama na ng tingin niya sa akin. May attitude talaga si Oliver. Sandali akong muling tumulong sa pag-aayos ng props mamaya.

Napatingin ako sa relo at mag-ala una na. Alas dos ang schedule ng competition at pang-apat kami sa magpe-perform. Anyone who has ever competed knows how short an hour is. It's like a second. Mapa-kanta man 'yan, sayaw, quiz bee, impromptu, o kung ano. Having one hour before the competition is the time for you to already have all your shit sorted out.

"Ikaw naman, girl!" Tinawag ako nung hairstylist slash makeup artist namin. Umupo ako sa harap niya. "For your outfit, I think i-two dutch braids natin itong buhok mo." Dutch braid? Parang dutchmill lang?

"Ano 'yun?"

"Yung parang kay Zendaya, girl. My god. Pero 'yung sa'yo, dalawang hati lang."

"Oh." Hinawakan niya ang buhok ko.

"Virgin pa 'to noh?"

"Yes, and so am I," biro ko sa bakla at natawa rin ito.

"Sana all virgin pa—ay char." Sinimulan niyang suklayin ang mahaba at bagsak na bagsak kong buhok. "For your makeup. Hmmm let's see. Bagayin na lang natin mamaya sa kalalabasan ng buhok mo."

"Dapat magandang-maganda ako ha."

"'Di ko maipapangako sa'yo 'yan, bakla. Ako pa rin pinaka-prettiest dito." Nag-hairflip pa siya sa akin.

"Talaga, Diego ha."

"Sunugin ko 'tong buhok mo! Diego ka diyan." Napahalakhak ako sa mukha niyang asar na asar.

"Ay sorry, Diva."

"That's it. Good girl. Dahil diyan, kabog na kabog ang makeup mo mamaya." Kinindatan niya ako. Mas sexy pa sa'kin manamit ang baklang 'to pero may biceps siyang kita dahil sa naka-tube lang siya. Best of both worlds.

Ang suot namin para sa competition na ito ay iba-iba. Nag-decide kami na wag mag-uniform costume kasi boring na 'yung ganun. Ang sabi ay iba-ibang costumes na lang para may iba't ibang personalities kami kung papanoorin. Ang importante ay dominating ang orange bilang kulay ng engineering. Napatingin ako sa salamin habang inaayos ni Dieg—Diva ang buhok ko.

Ang suot ko ay orange basketball jersey top pero crop top siya na hanggang sa taas ng pusod ko. Hiningi ko pa ito kay Matt na gamit niya nung high school at pina-alter. Sa baba naman ay black tracksuit na maluwag sa legs. Sa paa ay naka-black combat boots ako.

"There! You look fab! Konting kain na lang ng kanin ay you're pretty as me na." Binitawan niya ang setting spray na kaka-apply niya sa mukha ko.

"Wow." Sandali akong natulala sa salamin at napatingin sa sarili ko. I'm almost unrecognizable. Kinapalan ni bakla 'yung mga kilay ko, naka-redish brown akong lipstick, naka-smokey eyes, eyeliner, highlighter, bronzer. In short, naka-full makeup ako. Bagay na bagay ang makeup sa magiging performance. Ang ganda at neat pa ng pagkaka-braid ng buhok ko.

The Jerk CoefficientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon