Truth or Dare?
"Ring light!"
"Anong ring light?"
"'Yung ring light kong maliit! 'Yung pang-tiktok! Wala dito! Hindi ko yata—ay, never mind. Nandito pala."
"Nako naman."
Natatataranta sina Tiffany at Aubrey habang mabilis na naglalakad kami mula sa lobby ng company papuntang parking lot kung saan hinihintay na kami ng service.
Ang usapan ay alas-syete pa lang ay dapat nandito na ang lahat. 6:50 AM na. Napadaan ako sa parte ng wall na puro salamin at pinasadahan ng tingin ang suot ko. I'm wearing a grey t-shirt dress that's a little above my knees, at may 3 inches slit sa both sides. For my feet, just a simple pair of white running shoes. I just went with what's comfortable to wear. 3 hours din kami sa van.
"Eh 'yung noise cancelling kong hiniram mo nung nakaraan? Ang lakas mong humilik eh. Nabitbit mo?"
"Ay, sorry. Naiwan ko. Nalagay ko na kanina 'yun sa tabi ng bag. Hindi ko naipasok."
"Te, magtatlong buwan na 'yun sa'yo. Bilhin mo na lang sa'kin," pagmamaldita ni Tiffany sa kaniya.
"Ito naman. Parang hindi kita binigyan ng jowa." Natatawa ako sa kanila habang inaayos ang sling travel bag ko sa balikat ko. Natatanaw ko na ang van sa harap kung saan bahagyang nahaharangan nila Noel, Ethan, at Brad na may sarili ring mundo at may kung anong pinag-uusapan tungkol sa tinitingnan nila sa phone ni Ethan.
Pagdating doon ay pinwesto agad namin ang mga dala sa likod ng van at mabuti at hindi siksikan dito. May mga nakaupo lang dun sa pinakalikuran na hindi namin gaanong kilala. Umupo ang boys sa middle row habang kami ay sa likod ng driver's seat at passenger's seat. Ako ay nasa likod mismo ng driver. Speaking of driver, nakatingin siya sa relo at parang hinihintay ang uupo sa kabila.
"May susunod pa po, manong?" pagtatanong ni Aubrey.
"Oho, ma'am, si boss kasi inilapit dito. Maliit pala 'yung service sa kabila."
"Oh, matutulog ako. Wag niyo akong guguluhin ha," ika ko habang naghahanap ng playlist sa spotify.
"Asa." Narinig ko ang tawanan ng mga gago sa likod.
"Noel!" bulyaw ko pagkahablot niya ng earphones mula sa'kin, at narinig ko ang pagbukas ng pinto sa passenger's seat. Bahagya kong niliko ang katawan ko para bawiin ang earphones ko mula sa likuran. "Akin na nga. Parang bata."
"Kiss muna."
"Ulol, sumbong kita sa jowa mo."
"Damot, isa lang eh."
"Ang ingay niyo. May natutulog," saway samin ni Aubrey.
"Eh, ito kasi." Nakabusangot na ako ngayon habang nakabelat pa sa'kin si Noel.
"Kompleto na po tayo?" tanong nung driver.
"Opo," sagot ni Aubrey. Nung umandar lang ang kotse saka pa binalik ni Noel sa'kin ang earphones. Ngisi siya nang ngisi at ako ay inirapan lang siya. Habang sinasaksak ang earphones ko ay napasulyap ako sa bandang passenger seat at halos kumalabog ang puso ko.
"Leo." He's wearing a navy blue hoodie that's actually looking good with his hair that's a bit messy. Mukhang hindi siya gaanong naghanda.
"Blake, good morning." May kakaiba sa mukha niya ngayon. Mukha siyang bad trip. Sa bagay. It's 7 AM.
"Hindi ka nagkotse?"
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...