Sold To Satan
"Shhhh," pagpapatahimik sa amin ni Joshua habang nagpipigil ng tawa. Umagang-umaga ay pinagti-trip-an niya na ang natutulog na si Matt sa school bus. "Drawing-an ko ba ng tite? Total mukha naman siyang tite," dagdag nito habang may hawak na pulang marker sa kamay niyang kasalukuyang ginagawang sketchbook ang mukha ni Matt.
It's 7:30 AM at bumabyahe na kami papunta sa Calaguas Beach sa Batangas, ang venue ng initiation naming civil engineering students. Nasa left side sila ng bus. Nakaupo sa unahan nila sina Klea at Alyssa, habang nasa likurang magkatabi ay sina Matt at Joshua. Nandito ako sa right side, sa hanay nila Matt at Joshua, sa tabi ng bintana. Nandito kami sa pinakalikurang parte ng bus. Mabuti na nga 'yun at nang hindi sila maistorbo ng ingay ng mga 'to.
Sa nakikita ko ang natatanging bakanteng upuan lang dito sa bus ay ang katabi ng sa'kin.
"Mag-eeskandalo na na naman 'yan mamaya oh."
"Lagot 'yan mamaya."
"She's gonna be taught her lesson."
Tatlo lang 'yan sa mga bulung-bulungang naririnig ko mula kanina na alam kong patungkol sa akin. Sinong mag-aakalang sisikat pala ako sa college life ko?
Hindi na ako nagtataka kung bakit. Ever since nung incident sa general assembly ay nagbago na ang pakikitungo ng karamihan sa mga tao sa'kin sa department namin. 'Yung mga nakakakilala talaga sa'king classmates ko ngayon ay parang maayos pa rin naman ang pakikitungo sa'kin, pero the rest, damang-dama kong hinuhusgahan ako.
Ang hypocrite lang. As if sila hindi nagpapakalasing. Most of us engineering students pag-iinom ang isa sa outlet namin para ma-relieve 'yung pressure and stress namin. Hindi lang naman siguro sa engineering students, applicable din ata sa lahat ng colleges. Sa college ko naranasang uminom ng alak one hour bago ang exam ko sa major para patayin ang kaba ko.
"Sulatan mo sa noo ng supot ako, dali!" dinig kong utos ni Alyssa na tuwang-tuwa sa nangyayari.
"Lagot kayo pagkagising niyan, wala ako diyan ha!" pagpe-play safe ni Klea na nakangisi naman at saka naglagay ng eye mask niyang pink.
"Mas lalo na 'ko. Ang layo ko nga sa inyo oh." Itinuro ko pa ang distansya ko mula sa kanila at saka naglabas ng dila.
"Tingnan natin kung pogi pa rin 'tong gagong 'to mamaya."
Napahikab ako at nakaramdam ulit ng antok dahil sa maaga pa kaming gumising para maabutan ang bus na maaga pang umalis. Pagkatapos nung pangti-trip ni Joshua kay Matt na kasalukuyan niyang hinihintay na maggising ay tumahimik din kami dito sa likuran ng bus. Kinuha ko ang earphones ko at saka iniligay ito sa mga tenga ko. Ni-play ko ang OPM playlist ko sa Spotify, tumingin saglit sa mga punong nadadaanan namin, at saka pumikit na.
Napatanggal ako ng earphone ko sa kaliwang tenga nung nakaramdam ako ng may gumagalaw sa tabi ko. Napatingin ako dito at ngumiti siya sa akin habang inaayos ang bag niya sa may paanan niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Why? Restricted ba 'ko dito?" Kita sa mukha niya ang pagtataka habang inaayos niya ang headphones niyang nakasabit sa leeg niya.
"Engineering ka ba?"
"Why does it matter?"
"Kasi sa pagkakaalam ko initiation 'to ng civil engineering?" Tinanggal ko na ang earphone ko sa kaliwang tenga at nakataas ang kilay ko dito kay Kevin. "Inuulit ko, anong ginagawa mo dito? Pwede ka ba dito?"
BINABASA MO ANG
The Jerk Coefficient
RomanceFor an indecisive civil engineering student who still can't get in touch with her true self, Blakely Rose Alvarez might need to breach some rules and theories in the books to find where she truly belongs. When her path in an unlabeled partnership co...