I Give My All

3K 92 3
                                    

 
 
 
 
NAGHIHINTAY kay Ryker ang mga tauhan ni Hell nang dumating siya sa hotel. The place is under Mr. Fernandez's name. Hindi siya nagkamali ng hinala. Ito ang dumukot sa kanyang asawa.

Isa sa mga tauhan ni Hel ang lumapit sa kanya at may inabot na earpiece. Ito ang gagamitin nila ni Hell para mabilis na komunikasyon.

"Can you hear me, Ry?" Hell asked.

"Loud and clear. Alam na ba ng mga tao mo ang gagawin?"

"Yep! Walang masasaktan kung walang manlalaban."

Hangga't maaari ay ayaw niyang magkabarilan dahil alam niyang pwdeng ikapahamak iyon ni Mirielle. Pero kung kinakailangan ay hindi siya magdadalwang isip na bahiran ng dugo ang kanyang mga kamay. Handa siyang pumatay para sa kaligtasan ng babaeng pinakamamahal niya.

Hinati niya ang mga tauhan ni Hell sa apat na grupo para sa madaling pagrescue kay Mirielle. Kasama niya ang lima sa mahuhusay na tauhan ni Hell na siyang poprotekta sa kanilang mag-asawa.

Sa bungad pa lamang ng penthouse ay natanaw na niya ang apat na armadong lalaki na nagbabantay sa pinto. Sinenyasan niya ang isang tauhan ni Hell na kunin ang atensyon ng mga bantay ngunit hahakbang pa lamang ito nang may marinig silang tinig sa buong paligid.

Mula iyon sa audio speaker na naka-install sa buong penthouse.

"Just as I expected, Ryker Von Allmen. You will come to save your woman."

Boses iyon ni Mr. Fernandez. Alam nito na darating sila sa lugar. Kaya pala naging madali sa kanila na pasukin ang pinagtataguan nito.

"Where is my wife, Fernandez?!" angil niya.

"You don't have to shout, Von Allmen. You might wake up the sleeping beauty."

Bumukas ang swing door na binabantayan ng apat na armadong lalaki. Mula sa bumukas na pinto ay tumambad sa kanya ang isang kama. Nakahiga roon si Mirielle habang nakagapos ang kamay at paa. May piring din ang mga mata nito.

He run towards her wife but the four armed men started to fire at him. Mabuti na lamang ay naging maagap ang mga tauhan ni Hell para iligtas siya sa nagliliparang mga bala ng baril.

Hindi siya nakalapit sa kinaroroonan ni Mirielle.

"Not so fast, Von Almen."  Umalingawngaw ang halakhak nito sa buong palapag. "Hindi naman yata pwede na makuha mo ang iyong asawa ng walang kapalit. After what you two did to my daghter, hindi ko hahayaan na maging masaya na lang kayo. Sinaktan niyo na nga ang anak ko, sinira niyo pa ang negosyo ko. Your company was supposed to saved my company through your marriage with my daughter but that woman ruined everything. Kaya naman siya ang magiging kabayaran ng lahat. Not unless, everything will turn upside down."

"What do you want? I will give my all just spare my wife, Fernandez!"

Sumakit ang tenga niya nang muling humalakhak ang ginoo.

"Yan ang gusto ko sa'yo, Von Almen. Malambot ang puso mo pagdating sa iyong pamilya. Pero sige, since ikaw na nag-offer ng lahat ng meron ka, I want 250 billion be transferred to my account in one hour. Kapag walang dumating na pera sa account ko, magpaalam ka na sa iyong napakagandang asawa."

"You will not do that, Fernandez."

Nanlaki ang mata niya nang mabosesan ang isa pang tinig sa speaker. It was his father's voice.

"What are you doing here, Rivan?! Paano ka—"

Hindi na natapos ni Mr. Fernandez ang sasabihin nito. Hindi niya alam ang nangyayari sa likod ng speaker. Isa lamang ang tiyak niya. Nasa panganib din ang kanyang ama.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon