35 - How to Deal with It

2.8K 106 4
                                    

  
   
  
DAHIL SA NANGYARING komprontasyon sa pagitan nina Ryker at mga magulang nito, kinailangan nilang mag-stay sa mansion nang araw na iyon. Hindi niya alam kung hanggang kailan sila doon pero isa lamang ang tiyak niya. Kailangan niyang kausapin si Ryker para sa pamilya nito. Pakiramdam niya ay may dapat siyang gawin para rito at sa pamilya nito na pamilya niya na rin.

It's late in the evening but Ryker was still not inside the house. His car was still outside. Isa lang ibig sabihin nito, nasa kotse nito si Ryker at doon magpapalipas ng gabi.

She went out to talked to him.

*Tok! Tok!*

Napapitlag si Ryker sa pagkatok niya sa bintana ng kotse nito. Mukhang natutulog ito nang istorbohin niya. He unlocked the door and she jumped in his car for them to talk.

"Are you okay in here?" tanong niya rito.

Napansin kasi niya ang discomfort sa mukha nito. Maybe because of the space inside his car. Hindi ito komportable sa pagpapahinga dahil hindi ito makapag-stretch ng katawan.

"I'm fine. What are you doing here? Nasaan si Kari? Si Mama?"

"Natutulog na sila sa kwarto ni Kari."

Pinagmasdan niya si Ryker. Alam niyang dapat niyang kausapin ito tungkol sa ama nito na ngayon ay hindi lumalabas ng master's bedroom.

"You should take a rest too."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito sa halip ay ngumiti siya at tumingin sa kadiliman ng gabi.

"Lumaki ako na sa pinaniwalaan kong ama ko. Akala ko ay napakasama kong anak dahil ni hindi ako magawang mahalin ng sarili kong ama to the point naglayas ako at lumayo sa aking pamilya. Simula pagkabata ay uhaw ako sa pagmamahal at atensyon ng aking ama. Kaya noong malaman ko ang katotohanan tungkol sa tunay kong ama, hindi ako nag-aksaya ng oras. I never blame anyone to what happened dahil may mga malalim silang dahilan kaya nangyari ang nangyari. Ang mahalaga sa akin ay narito sila ngayon para itama kung ano man ang kanilang pagkakamali. Hindi ko pinagkait sa kanila ang bagay na 'yon," pahayag niya. Sinulyapan niya si Ryker.

Nagtataka ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"Bakit sinasabi mo sa akin ang bagay na 'yan?"

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay nito.

"Life is too short for hatred, Ryker. Forgive him. He has his reasons. Kung hindi niya ginawa ang mga ginawa niya ay baka ibang tao na ang ama mo ngayon. A bad one. Tinulungan siya ng Mama mo na maging ama sa inyo sa abot ng kanyang makakaya."

"Walang ama ang gagawa ng bagay na makakasakit sa kanyang mga anak." Puno pa rin ng poot ang dibdib nito. "Pinaniwala niya ako na patay si Mama 'yon pala tinatago niya lang rito kasama ang kapatid ko. All my life I thought I was all alone. Tapos ngayon idadahilan niya ang kanyang sakit para mapagtakpan ang lahat ng ginawa niya."

"Lahat ng ginawa ng Papa mo ay napagkasunduan nila ng Mama mo. Ginawa nila iyon para sa inyo. Maybe because your mother saw that you depend on her. You need to be independent and fight your own battle. Forgiveness is all you need to live a happy and peaceful life, Ryker."

Isang matamis na ngiti ang binigay niya rito bago niya binuksan ang pinto. Lumabas siya ng sasakyan ngunit bago niya isara ang pinto ay muli niyang sinilip si Ryker.

"Learn to forgive if you want to be forgiven, Ryker. Everyone makes mistake. It's not only your father. You once lied and hurt me but I learned to forgive because I want to be happy with you."

She closed the door and walked towards the house. Iniwan niyang bukas ang main door just in case magbago ang isip ni Ryker at hanapin ng katawan nito ang malambot na kama.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon