5 - Stranger

3.8K 123 1
                                    

 
 
 
 
TINITIGAN ni Ciel ang repleksyon sa salamin. Dugo na lang sa may bibig niya ang kulay ay para na siyang zombie. Namumula ang kanyang mga mata at nangingitim ang ilalim nito. Halata na puyat siya at hindi halos nakatulog.

All because of that hot, gorgeous and handsome man inside the master's bedroom who cornered and threatened her until she said everything about her. Hindi naman lahat. Basic info lang naman tungkol sa kanya.

Dalawang oras lang ang naging tulog niya dahil pagkatapos nilang mag-usap ni Ryker ay hindi kaagad siya nakatulog. Maraming tumatakbo sa isip niya kaya hindi kaagad na dinalaw ng antok.

Ryker knew now who she really is. Baka ireport siya nito sa mga pulis dahil sa panloloko niya rito. Worst is, baka tawagan nito ang mga magulang niya lalo na at kilala ang mga magulang niya sa larangan ng negosyo. Del Noche Enterprise is a well known producer and supplier of construction materials in the country. Hindi malabo na matatawagan kaagad ni Ryker ang mga magulang niya kung gugustuhin nito.

Hindi pwedeng malaman ng mga magulang niya kung nasaan siya.

Nagmamadaling lumabas ng maid's quarter si Ciel para dumiretso sa kanyang trabaho. Nakaassign sa kanya ang paglilinis ng mga kwarto sa ikalawang palapag kasama na ang master's bedroom. Kailangan niya din na makausap si Ryker.

Mabilis ang lakad niya patungo sa ikalawang palapag ngunit agad siyang napahinto nang makita na pababa ng hagdan si Ryker. Bagong gising ito at tulad niya ay para din itong zombie.

"We need to talk." Salubong niya kaagad dito. Hindi na siya nag-abala na batiin ito ng magandang umaga dahil alam naman nito na hindi siya basta katulong lang.

"Tell manang to cook me a breakfast and bring it to my room. Let's talk there." Nilampasan siya nito at dumiretso sa gym na nasa basement ng bahay. Yes, may basement ang mansion niya.

Sinunod na lamang niya ang sinabi nito.
 
 
  
 

INIHAIN ni Ciel sa mesa ang mga pagkaing niluto ni manang para kay Ryker. Hinihintay na lamang niya na matapos itong maligo para makapag-usap sila. Ilang sandali pa nga ay bumukas na ang pinto ng banyo at iniluwa si Ryker na nakasuot ng roba at tinutuyo ng tuwalya ang buhok.

"Kumain ka na. Babalik na lang ako pagkatapos mong kumain." She headed to the door but a strong cold hands prevented her from opening the door. It was Ryker.

"Join me. I would appreciate your company in my breakfast table."

Kinunutan niya ito ng noo. Pakiramdam niya ay may pinaplano ito sa kanya. Hindi naman siya tumanggi sa alok nito dahil kailangan niya rin itong makausap.

Naupo siya sa bakanteng upuan sa tapat nito.

"About last night —"

"Let's eat first." Putol nito sa kanya habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya. "We'll talk later."

Wala na siyang nagawa kundi sumubo ng pagkain. Tahimik lang naman si Ryker habang kumakain ngunit napansin niya ang maya't maya nitong pagsulyap sa kanya to checked if she's eating.

Ibinaba niya ang kubyertos ng matapos kumain. She drank a glass of water while waiting for him to finish. Ilang sandali pa ay natapos na ito.

"What do you want to talk about?" tanong nito sa kanya habang nagliligpit siya ng kanilang pinagkainan.

"About me." Itinabi niya sandali ang mga plato at muling naupo. "Now that you know who I am, I want to ask you a favor."

Sumandal ito sa inuupuang couch saka siya tiningnan sa kanyang mga mata.

"What favor?"

"Can you keep that a secret? Please don't tell anyone. Kayo lang ni Francin ang nakakaalam kung sino talaga ako. Can you do that, Ryker?" She dropped the 'sir' because she doesn't feel good asking him a favor while calling him 'sir'.

Ryker grinned at her." What happened to 'sir'? I am still your employer, Cielo Mari."

"Can you keep my secret, sir?" she asked emphasizing the word 'sir'.

Again, Ryker smirked. Naiinis na siya sa pagngisi nito na parang may nakakatawa sa kanya. Kung hindi lang dahil sa kagwapuhan nito at sa pabor na hinihingi niya, kanina niya pa nabigwasan ang mukha nito. On a second thought.. Sayang ang gwapo niyang mukha kung bibigwasan niya. Huwag na nga lang.

"And why would I do that, Cielo Mari?" Hindi maalis ang ngisi ni Ryker at alam niyang iniinis siya nito. Kung bakit ay hindi niya alam.

"Would you please stop calling me Cielo Mari?! Ciel is fine!" Bahagyang tumaas ang boses niya ngunit agad din naman niyang nakontrol ang sarili. "I only want you to keep my secret,Ryker. I don't want my family to find me."

She felt the sadness again inside her. She hates telling things to strangers but Ryker is a different case. Ito ang magpapanatili sa kanyang malaya sa kuko ng mga magulang lalo na ng kanyang ama.

"Okay."

Napaangat ang tingin niya sa lalaki. Nakangiti na ito hindi tulad ng ngisi nito kanina.

"What do you mean okay?" Gusto lang niya makasiguro na tama ang pakahulugan niya sa sagot nito.

"Okay, I will keep your secret and I won't tell anyone about it especially your parents."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito at hindi niya napigilang mapangiti kay Ryker. Akala niya ay mahihirap siyang kumbinsihin ito pero mukhang may tinatago ding kabaitan ang gwapo nitong mukha.

"But I have my condition."

Biglang nawala ang ngiti niya. "What condition?"

Umahon ito mula sa kinauupuang couch at lumapit sa kanyang kinauupuan. Parang tinatambol ang dibdib niya nang umupo ito sa mesa paharap sa kanya at bahagya itong nakadukwang sa kanya.

"Since I am the only one whom you can trust in this house and I am the only one who can help you with, mind doing me a simple favor rather than a condition. ." Ngumti ito na tila inaakit siya na hagkan ang labi nito.

At ang traydor naman niyang kalandian ay pilit kumakawala mula sa loob niya. She tried hard to resist his charisma.

"Sure. What favor is that?"

Umahon ito sa kinauupuan at pumwesto sa likuran niya. She felt his breath touching her nape. It brought chills in her spine and throughout her body.

"I want you to be you inside my house, Cielo."

 
 
    
 
~~~~~~~~~~

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon