27 - If Ever

2.8K 110 7
                                    

 
 
 
  
MAAGANG ginising ng ama si Mirielle dahil sa scheduled 24 hours date niya sa hindi niya kilalang lalaki. It hates the idea of the date pero ikaw ba naman ang ihold ang lahat ng cards mo at pati susi ng mga kotse mo, hindi ka ba papayag sa gusto ng iyong ama na makipagdate.

Pinaikot na lamang niya ang mata nang muling sabihin ng ama niya ang dahilan kung bakit gusto nito na siputin niya ang date niya.

"This is my first time dealing with Filipino businessmen, Miel. This will greatly help our business which will be yours and your future family will inherit. Please do this for me, my girl."

Napapaikot na lang ang mata niya sa ama. Hindi naman sa puro business ang nasa isip nito, naiintindihan niya na para rin sa kanya ang mga ginagawa nito. Ayaw ng ama niya na maranasan niya ang naranasan nitong paghihirap para makarating sa kinaroroonan nito ngayon.

Napabuntong hininga na lang siya nang lumabas ng bahay. Bahagyang nagulo ang buhok niya nang umihip ang hangin. Agad niya naman itong inayos at sumakay sa kotse na pinadala ng kadate niya. In fairness, may pagkagentleman naman ang kadate niya.

She turned on her GPS on her watch and necklace para alam ng ama niya kung nasaan siya. That's for her safety.

"Mam, ipinabibigay po ito sa inyo ni sir. Mahaba po ang magiging byahe natin, baka daw po ma-bore kayo kaya pakinggan niyo daw po itong inihanda niyang playlist."

Kinuha niya ang airpods na inabot ng driver. As she put them on, a song was played. Her eyes automatically shut when she heard the song.

I found a love for me
Oh darling, just dive right in and follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me

Bakit imahe ni Ryker ang nakikita niya sa isip habang pinapakinggan ang awit?

Okupado na naman nito ang isipan niya. Ngayon oa talaga kung kailan may date siya at dapat makisama siya dahil malaking halaga ang ibinigay ng kadate niya sa foundatioj na sinusuportahan nila ng ama niya. Mas okay na siguro ang estranghero na makakasama niya sa buong isang araw kaysa naman kay Axel na kahit sa bangungot ay ayaw niyang makita.

Tinanggal niya ang airpods saka inilapag sa car seat. Ayaw na niyang makinig ng music dahil lalo niyang naiisip si Ryker na wala pala talagang pakialam sa kanya. Ang lalaki na pinag-alayan niya ng lahat ay wala nang pakialam sa kanya. Ano nga lang ba siya sa lahat ng babaeng naging asawa nito? She maybe that inexperienced, innocent and boring woman in bed. Naiinis siya sa sarili dahil bumigay siya sa kalibugan niya noon.

Napabuga na lamang siya ng hangin. Tumingin siya sa labas ng kotse at napansin niya ang kanilang tinatahak na daan. Lumabas na sila ng Manila na hindi niya namamalayan. Hindi niya sigurado pero mukhang tinatahak nila ang hilaga.

"Manong, parang malayo na tayo sa Manila. Saan ba balak ng amo mo na magdate kami?" May inis na tanong niya sa lalaking nasa katangahalian na ang edad na nagmamaneho.

"Ang bilin lang po sa akin ni sir ay ihatid po kayo sa vacation house niya sa Ilocos."

"Ilocos?!!" Gulantang niyang tanong sa driver. "Tama ba ang narinig ko, Kuya? Sa Ilocos tayo pupunta? That's 5 hours travel!"

"Mam, saglit lang po magiging biyahe natin dahil gagamitin po ang private chopper ni sir. Pupunta lang po tayo sa villa niya kung saan po naroon ang chopper."

Napabuga na lamang siya ng hangin sa winika ng driver. Mukhang napasubo siya sa date na ito. Ilocos? That's so far! Bakit sa Ilocos pa kailangang mag-date?

Sumakit ng bahagya ang ulo niya kaya sumandal siya sa backrest at sandaling ipinikit ang mga mata. Naistress siya sa pakulo ng kadate niya na kahit pangalan ay hindi niya alam.

The Chairman's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon